Chapter 33

82 3 0
                                    

Nakatitig ako sa mahabang pasilyo ng harapan ng classroom nang pumasok si Mrs. Cleome sa loob. Bigla tuloy nawala ang inaalala ko kanina sa isipan ko.

“Nahanda mo na yung 4th quarter examination ng mga students mo, Ma'am?” tanong nito sa akin nang makarating sa sariling table.

May kinuha siyang kung ano sa portfolio saka binalik din ito agad sa kinuhaan.

Saglit akong napangiti, hinanda ang sarili na sumagot. “Hindi pa po handa ang TOS ko, ma'am. May checking pa po kasi ako.”

“Nako, sa una lang ‘yan. Mahusay ka kaya pag tumagal ka masasanay ka rin,” nakangiti niyang saad sakin.

“Hoping, ma'am,” malumanay kong saad. “Oo nga po pala, sabay na tayo maglunch.”

“Sakto uwian na rin. Alas-dose na pala. Tara!” ika niya, ginayak ako paalis ng room.

Dalawang taon pa lang akong nagseserbisyo bilang public school teacher sa San Isidro Elementary School. So far, maayos naman ang daloy ng pagtuturo kaya lang hindi maalis ang mga challenges—stress days at pressure.

Naging mabilis ang panahon, nung kailan lang ay naghahanap ako ng rereviewhin para sa Examination sa LPT.

Sa loob ng dalawang taon, ang dami-daming nangyari sa akin tulad ng maraming beses na akong naka-encounter na mga magulang na sumusugod sa akin dahil sa gradong nakukuha ng mga bata. I'm currently a grade 6th teacher. Kapag may concern ang mga magulang sa grades ng mga bata sa ibang subjects ay sa akin ang diretso nila.

Madalas na nanghihingi ng sorry sa akin ang mga subject teacher dahil ako ang nakakasalo ng mga masasakit na salita.

Si Mrs. Cleome ang teacher ng advisory ko sa Mathematics. All I can say is she's a responsible and smart person. Friendly din, asal-dalaga pa rin kahit na medyo may kalayuan ang agwat ng edad naming dalawa.

“Iyang si Espiritu madalas ang papuri sa akin tuwing malapit ang exam,” tukoy ni Ma'am Isabelle sa isa kong estudyante. “Ang alam ko nga galit ang batang yun sakin dahil nung 3rd quarter sumugod ang magulang sa akin, mababa raw ang grades ng anak niya. Ayun, nagsusumbong”

“Hindi naman maiiwasan yun,” anas ni Mrs. Cleome. “Di ka pa ba sanay?”

“Bata pa ko, ma'am, ayaw kong ma-stress,” she snorted and reached her drink. “Saka nga pala, after nun, ma'am inabutan ba naman ako ng package na may lamang chocolates, padala raw ng tita nung bata,” pabulong niyang saad. “Basta raw next time mas bibigyan ko ng attention ang grades ng anak niya.”

Sumubo na lang ako ng kanin na may laing sa pagkain ko habang pinapakinggan ang dalawa.

“Sa halos thirteen years ko nang guro kabisado ko na ang galawan ng mga ganyang  magulang. . .Ikaw, Isabelle, aware ka naman sa ganyang actions nila. May tiwala ako na alam na alam mo na ang dapat mong gawin,” tugon ni Ma'am Cleome.

Isabelle shook her head. “Hindi ko nga kinuha maam, tumikim lang ako. Joke.”

Sinamaan lang siya ng tingin ni Ma'am Cleome bago ito humalakhak. Nakitawa rin ako sa kanilang dalawa. Nang may bumukas ang pinto sa faculty room ay bumati sa amin ang dalawang cook sa canteen.

Inabutan din kami ng dalawang putahe ng ulam, akala ko ay natirang niluto nila ngunit may binanggit silang pangalan kung kanino galing ang mga pagkain.

“Galing po sa isang babae sa labas ng gate, Rowy po yata, ma'am,” kuwento niya.

“Ay, salamat po,” ngiti ko sa dalawa.

Bakit hindi naman ako tinawagan ng babaeng yun?

After ng lunch ay bumalik ako ng classroom to fix my things. Kinuha ko ang phone mula sa bag nang magvibate iyon. I received a message from Rowy.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon