Chapter 40

79 1 0
                                    

Days have passed, the feelings are getting worse. Mas napapadalas ang pag-alis ni Kuya Darius at Ate Rona nang walang pasabi sa akin. And days went by with all failures for Vember. Panay ang mura ng lalaki habang pinapakita sa akin ang mga ebidensya na hindi nagmamatch ayon sa kanyang expectations.

“There's nothing strange about your brother, Darlene,” umiling-iling ito sa akin. “There's no evidence he's included in this.”

It was his statement when we met in a coffee shop. Nakahinga ako nang maluwag doon.

The graduation went by. I was invited to Ericka’s house. Ipinagpasalamat ko na lang na wala ang lalaki sa selebrasyon ng aking estudyante, but some of her classmates were invited. Isinantabi ko ang alalahanin sa kaso ni mama para sumabay sa atmosphere ng celebration.

Page and Rowy visited me since bakasyon naman na ngayong kararating na month. I took the opportunity to tell them about what I'm facing these past few days. Katulad ng inaasahan ko, puro mura at galit ang naramdaman ng dalawa ngunit hindi nawawala ang awa sa kanilang mga mata habang sinasalaysay ko ang nangyari.

They were frustrated and disgusted with Cora. Hindi ko sinasabi ito para siraan ang babae but I told them about when I was in Donovan's condominium.

Ibinuga ko ang hangin mula sa aking bibig bago tumayo at pasadahan ng tingin ang kalangitan. 

Napukaw ng atensyon ko ang mahinang pagkatok sa pintuan ng aking kuwarto. I reached for the doorknob and saw Kuya standing there with a soft smile on his lips. 

Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa ibinigay niyang ngiti sa akin kaya sinuklian ko rin ito nang maikling ngiti.

“Pasok ka, Kuya?” mahinahon kong tanong sa kanya.

Umiling lamang siya sa akin at inilahad ang kanyang kamay, hawak ang isang may kaliitan na cardboard—ngunit hindi lang ito basta-basta na cardboard. Napadako ang aking tingin sa may itaas na bahagi ng papel.

Engagement Party

“Ibibigay ko lang sayo ‘to. Imbitado ka, Darlene,” he said with a small smile. 

Inabot ko yun ngunit ang mata ko ay napako sa isa pa niyang kamay na hawak ang iba pang invitation card. Sa ibabang bahagi nakalagay kung para kanino iyon.

Herbert Manalo.

Nanghina ang aking tuhod dahilan para mapahawak ako nang mahigpit sa pintuan. My knees suddenly weakened na mabilis naman sinuportahan ni Kuya. 

“Darlene? Anong nangyayari sayo?” nag-aalala niyang tanong sa akin.

Umiling ako at ngumiti nang pilit sa kanya kahit na ang katawan ko ay nangangatog na sa takot—sa pagbalik ng nakalipas sa isipan ko.

My absence in church was continuous because of that maniac sponsor. 

Oo, hindi nila alam ang nangyari noon at wala akong balak na ipaalam sa kanila lalo na kay Kuya dahil nakasasalay doon ang buhay ng kapatid ko. And he's the only family I have for now. 

I lost lola. I lost mama. I lost Aljon. I lost Donovan. Wag naman si Kuya ngayon. And he's currently a trainee to be an official pastor in our church. Maraming tao ang kailangan siya.

Mas lalo akong mi-na-ta ni Kuya dahil sa sandali kong panghihina ngunit hindi naging madali sa kanya dahil sinumpong ng sakit si Ate Rona. 

Nagsusuka si Ate Rona ng mga sumunod na umaga. Madalas din itong mahilo at magpabili ng kung ano-anong pagkain. Isang araw, inutusan akong bumili ng pagkain sa stall ng street foods, na noon ay nandidiri siyang kainin ang mga ganitong pagkain. The next day, she was mixing in the bowl with varieties of fruits, the sauce she put in the bowl was ketchup and mustard.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon