Chapter 16

85 6 0
                                    

Kinalimutan ko 'yon. Kinalimutan ko ang nangyaring iyon kahit na parang tattoo sa aking katawan ang paglapat ng marumi niyang kamay sa katawan ko. I just think about Donovan and kuya.

Hindi ko magawang sabihin 'yon sa kanya dahil alam ko na kapag nalaman nya, puputulin niya ang ugnayan kay Herbert at mawawalan sya ng susuporta sa pag-aaral niya.

Ayaw ko naman na mangyari yon, isa pa, isang beses lang naman nangyari na hawakan niya ako nang ganon, eh.

Dinampot ko ang phone mula sa kama bago buksan ang chatbox namin ni Donovan.

Me

Nov, may sasabihin ako sayo.

Donovan

Ivividcall mo na ba ko para may pang-story na ko?

I just laughed at his reply before answering his question.

Sa gabing 'yon, napagtanto ko na hanggang ngayon pala hindi ko pa rin sinasagot ang panliligaw niya sa akin. Hindi naman masama ang sumubok, di ba?

Dati, may nagtangkang manligaw sa akin pero hindi ko naman pinayagan kasi hindi naman ako handa. He was turned down by me and left his remark before leaving me for the last time.

"Takot ka kasi na lumabas sa comfort zone mo kaya walang tumatagal sayo."

But the situation is different. I'm now a college student who seemed like uncertainties tripping my head. It made my head so unreadable to the point I don't understand myself anymore.

Ayon nga siguro ang problema sa akin.

Me

Payag na ko manligaw ka kaya humanda ka na.

Donovan

Kala ko nakalimutan mo na eh.
But wait, what did you say? humanda na ako? ikaw dapat ang humanda.

Me

Bakit?

Donovan

Grabe ako magmahal, Darlene, hinding-hindi mo pagsasawaan, hahanap-hanapin mo pa. :)

Sa gabing nagdaan, wala ako ibang iniisip kundi si Donovan at ang usapan naming dalawa. He agreed that we can still hide to everybody he's starting to court me. Nang sumapit ang lunch, natagpuan ko sya sa pinakadulo ng table.

Kataka-takang wala syang kasama kundi ang inumin na milo lang at dalawang egg sandwich sa ibabaw ng table. Page nodge my elbow, pointing at him using her pouty lips.

"Manliligaw mo," she muttered.

Agad akong pinamulahan, hindi dahil sinabi nya na manliligaw ko lang kundi dahil sa tusok ng tingin sa akin ni Donovan mula sa kanyang upuan! It's so awkward that he almost forgot to blink.

Nang harapin ko ulit ang lalaki ay saktong nakangiti na siya sa akin. He mouthed, "What do you have for lunch?"

Winasiwas ko ang kamay. "Wala pa," I mouthed back.

Tumango lang ang lalaki na agad din nagbitiw ng tinginan namin nang dumating ang mga kasama. But my eyes stuck to the other guy. Yung lalaki sa bar yun na nakabungguan ko. Tagal na ng gabing yon, hindi naman niya siguro ako nakilala.

Itinuon ko na lamang ang pansin sa pagpili ng kakainin.

"Tara table tayo kina Bjorn," ani Cora sa amin ni Page.

"Huh? Bakit?" taka kong tanong.

Cora smiled widely. "Nandoon childhood friend ko, eh."

Rowy and Page joined us. Bitbit ko ang tray ng pagkain namin nang hatakin ni Cora ang braso ko. No choice ako dahil tumapat na kami sa table nila Donovan.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon