Chapter 39

72 1 0
                                    

How long will you steady yourself to the wall as support to your weak knees, like your soul is being bombarded of everything happening to you?

Dalawang araw na ang nakalipas, Vember and I are still on our case-mission. Akala ko ay madali na lang talaga ang paghanap sa suspect since nakita na ang numero ng kotseng iyon.

"Baka renta yung kotse?" I muttered, my gaze is at him.

Bumuntong-hininga siya. "That person is playing hide and seek, Darlene. Tagong-tago," sambit nito. He placed his palm under his chin. "And I believe this person can't do this thing alone," aniya pa sa mahinang boses.

"What do you mean?"

"That the person behind this has a friend to help him or her. But you don't have to worry, magkaroon ka ng tiwala samin ng team ko. Masosolusyunan din ito, Darlene."

It's the voice of Vember in my head as soon as I get home. Pagbukas ko ng bahay ay napalundag ang puso ko sa pagsalubong ni Ate Rona sa akin. Pinagtakhan ko iyon sa halos dalawang araw nilang pagsosolo ni Kuya nang wala man lang pasabi sa akin.

Ate Rona's eyes went wide at first ngunit nginitian ako nito nang ilang segundo. "Mukhang gulat na gulat ka yata, Darlene."

"Paanong hindi magugulat, Ate, e akala ko walang tao sa bahay," nakangiting sagot ko rito. Nilagpasan ko ito at dumiretso sa sala.

Si Kuya ay prente lang na nakaupo sa couch habang nanonood sa laptop ng film. Nagkalat ang mga pinagkainan nilang chichirya, popcorn, plastic ng burger at kung ano-ano pang inumin nila.

Hindi ba uso sa kanila ang magligpit ng pinagkainan?

"Kuya, wala kang service?"

Sinulyapan niya ako at umiling. "Wala. Wala rin naman si Pastor."

"Kuya linggo ngayon," pagpapaalala ko rito. "Mukhang ilang araw na yata yung absence mo sa pagtuturo."

Napapadalas na talaga ang pagiging abala niya sa relasyon nila ni Ate Rona kaya may ilang bagay siyang napapabayaan. Si Pastor na hindi na matagal ko nang hindi kinakausap ay minsang napadalaw sa amin nung wala si Kuya. Pinaalm niya sa akin na ilang araw nang walang paramdam ang Kuya ko sa sambahan.

Alam ni Pastor na ilang taon na wala ako sa serbisyo dahil sa ilang rason pero hindi niya na pinipilit halungkatin yun. Ang nakakapagtaka lang ay ang sa parte ng Kuya ko.

Umupo ako sa tapat ni Kuya, sinusubukan kunin ang kanyang atensyon but his attention is driven by distraction. That's all that I can see. He's being distracted by something and his cautiousness is gone.

"Linggo rin Darlene, wala ka namang pasok pero kung saan-saan ka napapadpad. Saan ka galing?" kunot-noo nitong tanong sa akin.

Ang dating sa akin ay parang ako ang may matinding kasalanan dahil ilang araw akong wala nang hindi nagsasabi at malalaman ko na lang sa ibang tao na ikakasal na ang kapatid mo habang ikaw parang tanga mag-isa na naglulutas sa kaso ng nanay niyo.

Oo, ayos lang talaga sakin, walang-wala lang sakin.

Kinalma ko ang sarili bago magsalita sa kanya. "Kuya, inaasikaso ko ang pagfile sa suspect, yung sa kaso ni mama pero bago yun kailangan namin muna malaman kung sino yung suspect."

"Darlene, di ba ang sabi ko wag mo nang abalahin pa yun?" nahihimigan ang inis sa kanyang boses.

Umakyat ang inis sa ulo ko. "Kuya, bakit ba ayaw mo na pinakikialaman ko ang kaso ng kay mama? Hindi ba dapat ikaw tong katuwang ko pero ano yung nalaman ko kay Cora?"

"Ano?"

"Hindi ka nagsabi sa akin na ikakasal ka kay Ate Rona, at higit sa lahat may engagement party pa pero wala kang sinasabi sa akin na kahit ano!" bulyaw ko. "Kuya, kapatid kita, mahal kita alam mo yun! Pero sana yung acknowledgment na may kapatid at nanay na responsibilidad mo bilang nakatatandang kapatid!" I catch my breath after that statement.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon