Chapter 34

65 2 0
                                    


“Ma'am, si Ericka po ayaw kumain,” sumbong sa akin ni Arvin, isa sa estudyante ko.

Ibinaba ko ang hawak na test papers sa lamesa at humarap sa kanya. “Bakit ayaw niyang kumain?”

He shrugged. “Hindi ko po alam. Pero ganyan naman po siya, e. Kakain lang siya kapag meron mang soup at tray. May practice pa po kasi kaya niyayayaya kong kumain, baka po kumakalam na ang t’yan, e.”

Oo nga pala pangatlong araw na ng practice ng graduation ng mga bata. Panigurado ay pagod-pagod ang katawan nila. There are times talaga na umuulit sila dahil may mga hindi nakakasunod.

“Baka naman, e. .  may personal na dahilan kung bakit ayaw niyang kumain?”

He sighed. “Wala naman siguro, maam. Kapag sila Leon ang nagyayaya sumasama naman, ‘pag ako laging umiiwas.”

“Ako na ang kakausap. Nasaan ba siya?”

Bahagyang napataas ang  mata nito sa ceiling na tila nag-iisip. “Sabi niya pupunta siya ng banyo pero dala ang baunan niya. Baka nasa canteen, mag-isa kumakain at ayaw lang talagang sumabay samin.”

Tumango ako. “Okay. Sasabihan ko siya. Hahanapin ko muna, okay? Kumain na muna kayo ako na ang bahala.”

Nagpaalam naman ito na mananatili muna sa covered court kasama ang mga kaklase na kakain.

Ang ibang students naman ay nagsibalikan na sa kanya-kanyang room, mas prefer nila kumain dahil sa init. Doon kasi may electric fan. Hindi naman nila kayang magtiis dahil ilang araw nang ganito kasama ang panahon.

“Hayaan mo, Ma'am, ‘pag ako naging principal lahat ng room talaga may aircon!” ani Isabelle nang sabihin ko ang concern sa mga students.

Ma'am Cleome heaved a sigh. “Mabuti nga nagbaba na ng announcement yung government, e. Mapapaaga ang bakasyon nila dahil sa sobrang init.”

“Tama ‘yan kasi ‘di lang panahon ang umiinit, pati ulo ko.” binagsak ni Isabelle ang pile ng test papers sa kanyang lamesa.

I took my phone from my bag and headed outside. Nagtanong ang dalawa kung saan ako paroroon, I just told them I'll do something important.

Una kong pinuntahan ang canteen baka sakaling makita ko si Ericka pero wala. I also searched her in the library at ang mga kalapit na buildings. Sinunod ko ang cr ng mga students. Saktong pagpasok ko ay naabutan ko siya sa loob na hinuhugasan ang isang galloon ng container ng ice cream sa gripo.

Umiwas ng tingin ang bata sa akin at mabilis na nilagay sa plastic bag ang basang-basa container kasama ang bote ng gatorade pero tubig ang laman nito.

Ngunit isang bagay pa ang nakakuha ng atensyon ko. Ang lata ng sardinas na nasa basurahan.

Humaplos ang awa sa puso ko. Hindi ko man nakita ng dalawang mata ko ang lahat, nararamdaman ko ang pinagdadaanan niya.

Sinubukan kong patatagin ang aking loob. I remain my straight face to approach her.

I smiled at her. “Saan ka galing, Ericka?” malumanay kong tanong.

“Dito lang po sa cr,” tugon niya sa akin sa maliit na boses.

Malumanay ang boses ng bata at may bahid ng kama ang tono ng boses.

“Ilang minuto kang nasa loob?”

“Kapapasok ko lang po, umihi po.”

“Nang dala ang mga iyan?” tukoy ko sa dala. “At iyon?” turo ko sa sardinas na nasa basurahan.

Agad na tumungo ang bata. “A—Ano po. . . wala po kasi pwesto sa labas,” pagsisinungaling nito.

Bumaba ako upang pantayan siya dahil sa kanyang kaliitan. “Kaya dito ka kumain?”

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon