Chapter 8

113 8 0
                                    

Ilang araw na, usap-usapan pa rin sa buong campus ang crush ni Donovan. Ang dami nilang tsismis. Nagulat pa ako nang may marinig akong taga-tourism daw talaga ang gusto ni Donovan, hindi sa education.

Ayos lang naman sa akin 'yon eh. Mas maganda na isipin nilang hindi talaga sa program ang gusto ni Donovan, na hindi ako. Pagtapos ng insidenteng 'yon, I told Donovan na pag-iisipan ko ang inaalok na panliligaw nya at hindi talaga ako sigurado sa pagpayag ko nung huli naming usap.

I didn't see any disappointment or hesitation in his expression when I told him that. Instead, he still plastered a reassuring smile and said, "It's okay, Darlene. Hindi ko naman in-eexpect na um-oo ka agad, eh. Gusto ko lang sabihin at magpaalam kung gusto mo na ligawan kita."

Nakiusap din ako sa kanya na wag nya i-broadcast sa campus ang pangalan ko bilang crush niya. He nodded and respected my request.

"Wala naman 'yon problema sa akin, Darlene. Ikaw naman ang nililigawan ko, hindi ang atensyon ng iba."

Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti sa pinapakita nya sa akin. Talagang ibang-iba ang lalaki kapag kaharap ako. He can be goofy and playful but when it comes to his words, he's really serious.

"Now, how can you say a teacher is effective to his or her student?"

Umikot ang mata ni Sir Romero sa buong klase para pumili ng sasagot. Agad na tumama ang mata nito sa isa kong kaklase at tinawag.

Kamot-ulo itong tumayo mula sa pagkakaupo at sumagot, "When that teacher is confident. . sir?"

"Hmm. . " Tumango sir. "Lahat naman ng propesyon dapat talaga confident. Can you add more explanation?"

Umiling ang lalaki kaya pinaupo na lang sya ni Sir. Nilalaro ko ang kamay ko nang tumama ang mga mata nito sa akin pero lumipat din agad kay Page na nakapangalumbaba.

"Oh, sige nga, Page." pinatong ni Sir ang kanyang kamay sa lamesa saka pinanood si Page na tumayo.

"Kapag gumawa sya ng kumportableng environment sa mga estudyante nya para magkaroon ng interest na matuto ang mga bata, sir," she answered confidently.

Tumango-tango naman si Sir. "Yes, that's good but there's a specific answer I want to hear. Anyone who wants to answer? Your own answer, ha?"

Walang nagtaas ng kamay. I saw Xyna wanted to raise her hand but in the end she chose to put it down. Mukhang natakot sumagot.

Romero De Campo, isa sa pinakamabait na proctor namin pero sya rin ang pinaka-strict sa lahat. Sobrang seryoso kasi nito kapag discussion na, hindi mo mabibiro pero kapag oras ng tawanan ay nakikihalubilo naman sya.

Nang magtama ang paningin namin ay mabilis akong umiwas. Okay, may pakiramdam talaga ako na tawagin, eh. Inuna lang si Page.

"Yung bago, si Miss ano. . ano nga name mo, anak?" napakamot sa pisngi nitong tanong.

Mahinhin akong tumayo mula sa pagkakaupo. "D—Darlene po. . "

"Ha? Darling?"

Narinig ko ang ugong ng tawanan ng mga kaklase ko.

"Darlene raw, sir!" Rowy retorted.

He just nodded. "Apologies, Miss Darlene. Sige nga, for you, how can you say a teacher is effective to his or her student?"

Kinagat ko ang ibabang labi dahil hindi ko alam kung paano ko idedeliver ang sagot ko. Meron akong sagot pero nauutal ako. I'm stuttering when it comes to recitation, kaya mas prefer ko lang talaga ang written works eh!

Ilang segundo akong nakatayo. Mula sa kinatatayuan ko ay hindi nakaligtas sa akin ang pagngisi ni Lyndsey sa kanyang inuupuan.

"No answer?" Sir asked.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon