Chapter 31

76 3 0
                                    

Talaga ngang napakabilis ng panahon. Isang kisap-mata ko ay narito na ako sa tapat ng malaking venue. We practiced hardly for this. The graduation ceremony is already settled.

We put a lot of struggles on our back and sacrificed our mental, physical and emotional health to survive and now, it's paying us off.

Baka bukas nga ay pasado na ako sa board exam. Cross fingers. I prayed it would happen.

"Mama will be proud," I said to myself, hugging my cap and putting it up on my head.

"Tangina, naiiyak ako baka masira eye-liner ko," naiiyak na wika ni Lyndsey sa tabi ko.

Kanina pa talaga siya naiiyak, kapit na kapit din sa aking braso. I couldn't help but to smile at her while caressing her back.

Ang mga kaklase ko ay nakahilera sa mga upang naka-reserve na sa amin. Even them are too excited to get the diploma on the stage. Kanina pa namimicture sila Jordan at Pierre. Walang mintis ang ngiti dahil sa tuwa ng mga magsisipagtapos. May karangalan man o wala, walang katumbas ang saya na nararamdaman ng lahat.

Kung noong high school ako ay inggit na inggit ako sa mga estudyanteng umaakyat sa stage para kunin ang kanilang parangal, ngayon ay mas masahol pa ako batang nakakuha ng medalya.

All I want is diploma. Para sa akin ay walang katumbas na medalya iyon.

"Beh, may ipagmamalaki na ako kay mama," naiiyak na wika ni Page sa aking likuran.

Rowy joined her, crying in tears of joy. Nagyakapan pa ang dalawa habang bumubulong ng pasasalamat sa Diyos.

"Beh, sino nga yung prof na nagsabi na wala kang mararating sa buhay, beh? Tangina non, mamaya lagpasan mo, iharap mo diploma mo sa kanya," dinig kong bulong ni Rowy kay Page mula sa aking likuran.

Page scoffed. "Si Sir Gutierrez, beh."

Tumatawa akong humarap sa kanila. "Magsisimula na, uy."

Nagsitigil naman ang lahat ng mga estudyante nang magsimula na ang seremonya. The ceremony went well. Wala akong makita na estudyante na nakasimangot o walang ekspresyon ang mga mukha. Ngayon ko lang napagtanto kung ano ang saya na binibigay ng graduation ceremony.

Noong kinder ako, graduation ceremony namin, takot na takot pa ako na magmoving up dahil takot akong tumungtong ng elementary. Pakiramdam ko kasi ang dami-dami kong haharapin sa ganong edad pa lang. What I always tell to Page and Rowy, I was always be a shy type student pero nung nagsimula kami magpractice teaching ay unti-unting namatay ang hiya ko.

Naiiling na lang ako sa sariling naisip.

Sinilip ko si kuya mula sa kaniyang puwesto. He was there handling his phone while taking me a picture. Ngumiti ako mula sa aking upuan nang magthumbs-up siya.

Bumalik ang aking tingin sa harapan upang makinig sa talumpati ng mga may latin honors.

"Sayang. . kung nandito si Vanity, nakaupo na siya doon," I heard Lyndsey pouted her lips to point the group of honor students sitting on the stage.

Tumango ako. "May nakatadhana para kay Miss Vanity, malay mo baka mas may malaking ibigay sa kanya si Lord," tugon ko sa kanya.

She disappointingly shakes her head. "Sana lang talaga ay nasa mabuti na siyang kalagayan."

"Just go with the flow," wika ko sa kanya.

I heard her small chuckle just like she heard a sort of joke from me. "Not for me. If I already gave my fullest tapos it wouldn't pay for my hardships, I would never accept it."

Napalingon ako sa kanya ngunit ang kanyang mata ay nakatutok lang sa unahan. Alam kong nakikinig siya. Isa iyon sa hinahangaan ko sa kanya, yung abilidad niyang magsalita sa katabi habang nakikinig sa unahan.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon