Chapter 22

82 4 0
                                    

Mama died.

Naging mabilis ang pangyayari. Walang ibang pumasok sa utak ko kundi ang mga salitang iyon mula sa doctor. Sa loob ng halos dalawang linggo ay nagdadalamhati ako sa pagkawala ni mama. Kuya wasn't able to go to work. Tulad ko ay nawalan kami ng gana na mabuhay dahil unti-unti kaming pinapatay ng mga taong unting-unti na rin nawawala sa buhay namin.

I don't get this life anymore. Para akong sinasakal hanggang sa mawalan ng hininga. Para akong pinagkaitan ng pagkain para mawalan ng tibay sa pagpapatuloy ng buhay. Para akong pinagkaitan ng tubig para hindi mabigyan ng lakas para harapin ang panibagong bukas. Ngunit paano ko haharapin ang bukas kung ang tao sa naghihintay na umangat para sa kinabukasan ko ay isa na lamang ala-ala sa aking puso at isipan?

Napaka-lupit ng buhay.

Buong buhay ko, wala akong ginawa kundi maglingkod sa Kaniya. Wala naman ako maisip na ibang dahilan kung bakit sunod-sunod ang hirap ng buhay namin. When people don't want to leave, but if God wants to, God will make ways to make them leave you at the end of the day.

It's because it's a part of His plans.

Pero minsan yung plano na binigay Niya para sa mga tao, hindi maiiwasan na hindi makaramdam ng sakit at galit. Kasi naman, bakit sa ganoong paraan pa talaga?

Mahirap mag-let go lalo na kapag nakatanim na sa buhay mo ang isang tao. Mahirap hugutin ang isang bagay mula sa puso mo para alisin lang. Kapag hinugot mo kasi masakit na, eh. Mas masakit pala yung huhugutin sila paalis sa puso mo kasi alam mo na kapag wala na sila doon. .  mahihirapan kang tumuloy sa buhay.

Pero kailangan natin magtiwala sa Kanya kasi hindi naman tayo ang may kontrolado ng lahat, Siya lang.

Masaya na nakapasa ako ng exam. Masakit nang mawala na si mama sa amin. Malungkot ang bahay dahil dalawa na lang kami ni kuya. But I was furious when my tita from abroad didn't even visit mama. Nung nawala si lola, hindi rin naman tumungtong ang paa nito sa Pilipinas. Kahit na ang ibang kapatid ni mama na nasa probinsya. Ni-tulong manlang ay hindi nila binigay.

Isang linggo lang ang lamay ni mama at lagi akong nakabantay doon. Ang mga kasama siya lang sa trabaho ang nagsidatingan pati na rin ang team leader ni mama sa trabaho niya.

They're really a true friends of her. Sila lang naman kasi ang nag-abot ng tulong sa amin ni kuya at kusang nagbantay sa lamay lalo na kapag maraming tao ang dumadalaw.

"Darlene, pahingi daw ng kape yung  gwapong lalaki doon," tumuro si Ate Gina kay Donovan na nakakrus ang mga brasong nakaupo lang sa monoblock.

He straighten his posture as my gaze landed at him. I sighed and gave him a slight nod.

"Mukhang kagagaling lang nun sa kung saan, pagod na pagod ang itsura, eh," saad pa nito.

Saglit akong bumalik sa loob ng bahay upang kumuha ng kape para sa kanya. Napadpad ang tingin ko sa full-length size mirror nang dumaan ako sa kusina. Saglit kong tinitigan ang kabuuan ng katawan. My shoulders are slumped. Malaki na rin ang itim na bilog sa mata ko. Maging ang tali ng buhok ko ay buhaghag na rin. Kahit na ang puting oversized white shirt ko ay marumi na rin.

Tatlong araw na ang nakakaraan nung huli kong ligo.

I just shrugged the thoughts in my head and headed out. Nilapag ko sa puting lamesa ang dalawang paper cup ng kape namin ni Donovan.

"Nandito ka ulit?" malumanay na tanong ko sa lalaki.

Ilang araw na rin siyang pasulpot-sulpot dito sa lamay, pinapanood lang mula sa malayo, paminsan-minsa'y kinakausap na rin siguro dahil hinahayaan niya na lang muna akong tumulala sa kabaong ni mama.

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon