Epilogue

151 1 0
                                    

“Tara pre, kah-peh tayo,” pagyaya ng isa kong tropa na si Bjorn.

I zipped my backpack as I put my black pen inside it. Sinukbit ko naman habang natatangang iniisip kung tama bang pinasok ko ang architecture.

Sure, I love drawing, sketching pero puta akala ko drawing-drawing lang.

Sigurado ako talaga, di ako papasa nito.

Kumunot ang noo ko nang harapin si Bjorn. “Ano?”

Sumimangot siya dahil alam niyang sa loob ko ay tinatawanan ko ang baluktot niyang tagalog

“Coffee tayo sa convenience store.”

“Tanginang tagalog yan, kah-peh amputa. Mag-english ka na nga lang, pinapahirapan mo bulok mong tagalog.”

The guy grabbed my nape by his arm and put it around it. Tinanggal ko naman yon dahil nasasakal na ako ng gago.

“Saan ang gala niyo?” taas-kilay na tanong ni Gan nang nakasalubong naman siya sa terminal ng tricyle.

“Lakad lang pa-convience store.”

“Sama,” aniya habang antok na antok na pinasadahan ng tingin ang gate na nilabasan lang namin.

May inaantay siguro.

“Umuwi ka na, gago may church ka pa,” I laughed.

Ayaw ko lang talaga sumama nang sumama si Gan sa amin dahil matinong tao yan hindi tulad naming laging lapitin mg away.

He just scoffed before he shooed us away. Pumunta kami agad sa pinakamalapit na convinience store. Saktong nagpasuyo si dad ng alak kaya bumili ako, isang cinnamon rolls na rin para sa snack ko kaya lang may babaeng bumunggo sakin dahilan para mapatigil ako.

"S—Sorry," her voice is shaking.

Sisinghalan ko sana siya nang mapatigil ako dahil bigla siyang hinigit ng kasama n'ya. "You-"

Fuck. Sayang yung alak. Sayang din dahil di ko tinanong pangalan niya.

I just heaved a sigh before I grabbed the other liquor. Hindi puwedeng wala akong iuuwi sa bahay. 

Tapos na  namin ang entrance exam pero parang yung isang mahirap na tanong nasa isip ko pa rin. Gumugulo pa rin sa isip ko yung mga tanga kong sagot nung exam, mali-mali dahil lumabas sa binabasa ko yung mga tanong.

It was about the architectural style characterized by pointed arches, ribbed vaults, and flying buttresses yata yon. Gothic pala sagot dun hindi Baroque.

I licked my lower lip while processing my wrong answer, pati ang piercing na nasa ibabang labi ko ay pinaglalaruan ng dila ko.

Pero tangina lang talaga, mukhang pinaglalaruan ako mundo dahil may nakabunggo na naman sa dala kong chocolate drink nang mapatayo. 

Ang masaklap pa ay nabasa yung advance reviewer ko dahil nabobobo ako sa magiging topics namin ng first sem. Nakapasa pa naman na ako sa entrance exam.

"Tangina nam—” I trailed off my curses when I lifted my eyes at the girl who bumped into me.

Bigla ay napipi ang isang Donovan de Vera. 

Yung babaeng nakabunggo sakin nung unang beses. Mas maganda pala siya kapag sobrang natitigan. 

She has this soft fragile side that I should take care of. Every part of her is beautiful as her personality is and I can read it through her eyes. She was on the verge of crying, and I knew I made her frightened.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon