Chapter 4

127 10 0
                                    


Nakuha ng atensyon ko ang malalim pagbuga ng buntong-hininga ni Rowy. Napaangat ang tingin ko sa kanya mula sa pagsusulat sa notes ko.

"Maglilipstick nga ako," matamlay na aniya.

Dinukot naman nito ang lipstick niya mula sa makeup kit at sinimulan kulayan ang labi. "Ay hala, dumaplis," pang-aasar ni Roey, halatang sinadya yung paglagpas ng lipstick sa labi niya.

"Uy . . di ka gaganyan," Cora reacted.

"Ayan kasi, hindi ka nag-iingat eh. Paano na maaalis yan?" parang tangang sambit ni Page, nakanguso.

Rowy sighed dramatically. "Kailangan ng pamunas, mhie. Parang need ko ng. . " the three shared a look while smirking.

"Baby wipes!" sabay na sabi ng tatlo sabay nag-apir.

I just snorted. Halata naman na ako ang pinaparinggan nila. Sumimangot na lang ako habang pinapanood ang tatlo na nagtatawanan sabay baling sa akin ng mapanuksong tingin.

"Para kayong mga ano," I grunted in frustration. "Parang ayun lang, eh. ."

Nanlaki ang mata ni Page. "Parang ayun lang?! Parang ayun lang?! For the first time in my whole college life, hindi ko nakita na ganon lumandi si Donovan sa ibang babae!"

"Hindi ganun lumandi yun, Darlene," ani Rowy, umiiling. "Sexy lumandi yun, hindi cute."

Tumango si Cora. "Oo, tangina, may palapag-lapag pa ng wipes sa table eh."

"At may pakamot pa sa batok! Halatang nahihiya si gago!" dagdag ni Rowy.

I just bit my lower lip. Ayaw ko talagang inaasar ako, mabilis kasi akong pamulahan sa hiya dahil hindi naman ako sanay na nasa akin ang atensyon ng nakakarami.

When that incident happened, I wasn't able to utter a word. Hindi ko kasi alam kung tatanggapin ko ba yung nilapag niyang wipes sa table ko. Nakailang tanong pa ako kung para sa akin ba talaga yun. Nasigurado ko lang nung tumango ang lalaki sa akin habang nakangiti.

Parang tanga, bakit siya ganun umakto? Nakakahiya kasi. Nahihiya ako kasi maraming nakatingin. Nakakahiya kasi hindi ako makareact nang maayos. Pautal-utal pa ako nung tinanong ko kung sa akin ba talaga yun.

"Alam na alam niyo, ah?"

Tumango sila. "Sino ba naman ang hindi? Niligawan niya kaya yung representative ng COE namin. Dumadalaw siya sa babae tapos ngisi-ngisi lang siyang inaakbayan yun."

"Another personality of Donovan unlocked!"

Yuck. Parang gusto ko na lang masuka sa ginawa niya, ganun pala siya ma-inlove.

"Saang major nga yun?" tanong ni Cora, pinupunasan na yung labi gamit yung wipes na binigay sa akin ni Donovan.

"Filipino yata, yung Polaris ba?"

Tumango yung dalawa. "Sayang si Miss Vanity, 'no? Ayaw kasi mag-representative eh."

"Mas bet ko si Vanity, eh. Ewan ko lang kung bakit ayaw niya maganda naman siya tsaka matalino."

"Pero pansin ko lang ah, parang type ka nun ni De Vera," she commented with a grin. "Gawaing gusto manligaw ang kilos, eh."

Umiling ako. "Imposible," singhal ko.

Pero ang weird lang talaga ni Donovan ngayon.

Imposible na magustuhan niya ako.

Tumango si Page na parang sumang-ayon pa sa sinabi ko. "Sabagay. . ang layo kaya ng tipo niya sayo," Page added.

Sinimangutan ko lang siya.

Pero agad siya bumawi ng ngisi. "Pero baka gaya mo na ang tipo niya ngayon."

Where the Wind Blows (Batchmate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon