♥ Heartstrings 1 - Offbeat ♥

387 12 2
                                    


*** ♥| Heartstring 1 - Offbeat | ♥ ***





:::: Offbeat - different from the ordinary, usual, or expected ::::





[ Naomi's POV ]



"Hayy nako, bongga talaga yung tama ng alak sakin kahapon" wika ni Chinchin habang mina-masahe yung ulo niya.



"Gaga, paano hindi sasama yung pakiramdam mo? E kulang nalang magpagawa ka ng fountain ng alak tapos gawing baso yung pitsel sa sobrang takaw mo ng alak kahapon" singit ni Shane. Well tama naman si Shane. Si Chinchin at Francheska lang ata sa kanila ang tinamaan ng sobra ng alak hanggang ngayon.



Siyempre excempted ako sa kanila. Di talaga ako uminom ng alak kahapon. Ayokong mapagkamalang baliw gaya nila. Yung tama ng pagiging baliw, dala parin nila Chinchin at Francheska hanggang ngayon. Ganyan lang naman sila ka matador sa toma kahapon.



Teka .. kumusta na kaya si Silver? Okay lang kaya siya? Naparami rin yung na inom niyang alak kahapon e.



Aish! Ba't ko ba siya iniisip!? E ano naman kung masama yung pakiramdam niya hanggang ngayon? E ano naman kung nagimbal ako sa confession niya sakin kahapon!?



Aish! Isa rin yan e! Kung sila masama ang pakiramdam dahil sa alak, ako naman masama ang pakiramdam dahil sa confession ni Silver!



Jusmiyo, sino ba naman ang di sasakit ang ulo sa confession niyang iyon!? mahal niya raw ako!? Agad agad!? Wala man lang paramdam!? Nakakagimbal talaga yun. Sino ba naman ang makakapag-isip na gusto ka ng isang taong sukdulan na pambubuwisit ang ipinaparamdam sayo!?



"Ang manhid mo kasi girl!" agad akong napatingin kay Francheska. Biglang nawala yung makasaysayang pag-uusap ko sa aking sarili nang marinig ko yun mula sa kanya. Talagang nag ring a bell lang talaga sakin e!



"Hindi ako manhid okay? Talagang bet ko lang lasingin ang sarili ko kahapon. Siyempre birthday ko kaya kahapon! Hmp!" maarteng protesta ni Chinchin.



"Weh? manhid ka! Tinungga mo parin yung alak kahit yung utak mo nagsusumigaw ng 'hoy! baliw na may-ari sa akin, surrender ka na! di ko narin kaya!'" sabi ni Francheska sabay roll ng eyes niya. Napahinga naman ako nang mapansin kong si Chinchin ang kinakausap niya, akala ko pa naman ako yung sinabihan niyang manhid.



Teka! Anong ako!? Hindi naman ako naging manhid ah!? Talagang wala lang talaga siyang ibinigay na signs bago siya nagconfess sakin!

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon