♥ Heartstrings 4 - Scheme ♥

138 4 1
                                    

*** ♥| Heartstring 4 - Scheme |♥ ***


:::: Scheme - a clever and often dishonest plan to do or get something; a plan of action especially a crafty or secret one ::::



[ Naomi's POV ]



"Okay, spill it now" wika ni Chinchin na may nakabahid na malaking ngiti sa kanyang labi. Napabuntong hininga ako. Pipinta parin kaya sa mga labi ng Chuchu Friends ang mga ngiti na inilalabas nila ngayon sa oras na sasabihin ko sa kanila ang totoo? Na pinagtaguan ko sila ng sekreto?

Well pwera nalang kay Shane. Alam naman natin na siya ang kaisa-isang Chuchu Friend na nakaalam ng sekreto namin ni Silver. Aish! Buhay naman oh! Ba't ba kasi ginawa ko pang sekreto sa kanila?! Jusko.

Kahit konti lang kaming mga estudyante dito sa mini park ng Celestine Academy, pakiramdam ko parin parang sobrang ingay ng paligid. Hindi na ako mapakali sa gagawin ko. Hindi na ako makapag-isip ng mabuti dahil nagkanda-halo-halo na yung mga iniisip ko.

"Okay, uhmm .. sana hindi kayo magalit sakin ha? Diba we already promised dati pa lang na walang sekreto sa isa't isa?" napabuntong hininga ako nang makita ko ang pagkaseryoso ng pagmumukha ni Chinchin. Siya kasi ang nasa harapan ko at nasa pagitan namin ang isang marbol na mesa. Katabi ko sina Shane at Sharm at nasa-pagitan nila ako samantalang sina Chinchin at Francheska naman ang nasa katapat na upuan.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Shane sa aking likuran at nakita kong ngumiti siya sakin. Ngiting encouragement to be specific. Himinga ako ng malalim bago nagsalita ulit.

Please .. kahit ngayon lang. Paki-kapalan ng courage ko, paki-kapalan narin ng mukha ko.

"I broke our promise .. nagtago ako ng sekreto sa inyo" umigting muna panandaliang katahimikan bago napatawa ng bahagya sina Chinchin at Francheska.

"Ano ka ba! Okay lang yan. Para namang sobrang laki ng sekretong yan e" kinindatan ako ni Chinchin. Imbes na maging panatag na ako dahil sa sinabi niya, naging kabaligtaran nito ang nararamdaman ko. Mas lalo akong kinabahan. Hindi naman kasi maliit na sekreto yung tinago ko sa kanila e, malaki yun! Hayy.

"Hindi lang to maliit na sekreto Chin, dawit si Silver sa sekreto ko" napaawang ang bibig nina Chinchin at Francheska.

"Si Silver ba kamo?" rinig kong tanong ni Sharm. Tumango ako bilang sagot.

"Alam kong napapansin na ninyo yung palagian naming pagsama, diba? Chuchu Friends .. I'm Silver's slave" nabila-ukan si Francheska kahit wala naman kaming kinakain.

"What?! Y-you are S-Silver's slave? Anong klaseng slave?!" namutla ako nang maisipan ko na baka iba yung iniisip nila.

Hoy! Ang green ninyo! Hindi yan ang ibig kong sabihin! Aish!

"H-hindi! Ibang slave yung ibig kong sabihin, okay? Slave, as-in katulong lang .. not that kind of slave you all guys thinking" paliwanag ko.

Nakita kong napabugha ng malalim na hininga si Chinchin. Pero hindi maalis ang aking paningin kay Francheska na biglang lumungkot ang ekspresyon sa mukha.

"Bakit? Paano nangyari yun?" tanong ulit ni Sharm.

"Dahil sa isang debt. Dahil dun sa motorsiklo niyang sinira ko nung bakasyon. Hindi ko naman masyadong napuruhan yung motorsiklo niya e. Pero wala akong magagawa, malakas yung hawak niyang ebidensya. May mga papeles na siyang nakahanda tapos ako ni isa wala. Tapos sobrang mahal pala nung motorsiklo na sinira ko. Akala ko talaga isang puchu puchung motorsiklo lang yun e! Ginintuan pala yung presyo!"

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon