*** ♥| Heartstring 36 - Clue |♥ ***
:::: Clue - something that helps a person find something, understand something, or solve a mystery or puzzle: something that guides through an intricate procedure or maze of difficulties; a piece of evidence that leads one toward the solution of a problem ::::
*******
ISANG MASAMANG balita ang kumalat sa buong Celestine Academy. Matapos ang isang araw simula nung insidenteng nangyari kay Monica ay nilabas na ng paaralan ang balita tungkol sa kanya. The school principal confirmed that Monica is on comatose. Mukhang malubha nga yung lason na pinainom sa kanya. Wala pa akong alam sa kung anong klaseng lason ang pinainom ni Red sa kanya since our instructor haven't say a word about it pero dahil sa naging epekto nito sa kalusugan ni Monica, one thing is very sure ... the poison can be considered as one of the lethal poisons discovered in this Earth.
"Dapat na ba tayong mag-ingat? What if another student will be poisoned again?" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Shane habang abala ito sa pag-aayos ng mga gamit niya. Marami ang nagulat sa naging balita ng instructor namin tungkol kay Monica. Everyone was shocked on what they heard and as expected the bad news immediately spread rampantly. Hanggang sa natapos ang klase namin ay bulong-bulungan pa rin ang balitang iyon. Maging sa social media ay usap-usapan rin ang balita.
"Alam niyo may isang bagay lang talaga ako na gustong malaman ngayon. Aksidente nga bang nakakain siya ng pagkaing may lason or may lumason sa kanya?" agad akong napatingin kay Francheska nang sabihin niya iyon. Magaling talaga ang pang-amoy ni Francheska sa mga ganitong bagay.
If there's only a chance that I could say the whole thing about Monica's incident, for sure these guys will now have a glimpse of hint about the person behind it. Hindi ko pa talaga maaaring sabihin sa kanila ang tungkol kay Red at baka may mangyari na namang masama. Isang masamang galaw lang na gagawin nila na masasagap ng radar ni Red ay maiisipan niya talaga na binubunyag ko na ang komunikasyon namin sa ibang tao. He might do another horrible poisoning again which is a very scary thing to happen. Hindi na maganda na madagdagan pa ang bilang ng mga taong nalason ni Red. Twice is enough. If another student will become a victim again, it could be an adequate reason to sweep away the majority's thought that these happenings are just merely coincidental.
Ilang oras akong nakatutok sa cellphone ko kagabi, nagbabasakali na tatawag si Red kaso wala ata itong planong kausapin ako sa mga gabing iyon. Gusto kong malaman mula sa sarili niyang bibig kung bakit niya nagagawa ang mga iyon. He maybe did the crime just to avoid any leakage about his identity. Marahil ay plano na siguro ni Monica na sabihin sa amin ang tungkol sa kanya kaya nilason nalang niya ito.
Napatingin ako kay Silver na seryosong nakatitig sa mesa niya. Para bang malalim ang iniisip nito. I guess he is also being bothered on what happened to Monica since he is also a victim of unknown incident of poisoning. Mas lalo siguro siyang naguluhan dahil isa si Monica sa hinihinalaan niyang lumason sa kanya tapos malalaman nalang niya na nilason rin ito. His thoughts got ruined because of this unexpected crisis.
"Hindi ba't kumalat sa buong school na nilason rin si Silver? May koneksyon kaya ang nangyari kay Silver sa nangyari kay Monica? Maraming nagsasabi na coincidence lang daw yun pero parang may mali talaga eh." napatitig ako sa kawalan dahil sa naging teorya ni Chinchin. Kinakabahan ako na baka bumuo ng imbestigasyon ang mga lokang ito na magiging dahilan upang ma-trigger ulit si Red. He might think that I had told these guys about his existence kung gagawa sila ng ganun. A massive killings might happen.
"Hindi naman siguro. Iba kasi yung pagkakalason kay Monica. Pwede kasing dahilan e nakakain talaga siya ng pagkaing hindi maingat ang pagkaka-prepair or something like that." sagot ko kay Chinchin. Napatango naman sila sa sinabi ko. Nabigla ako sa agarang pagtayo ni Silver. He gave me a sideward glance and started to show some gestures which says 'samahan mo ako' or something. Nang tumingin ito sa pintuan ay doon ko na naintindihan na gusto niyang sumama ako sa kung saan man siya pupunta.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
JugendliteraturBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...