*** ♥| Heartstring 44 - Appreciation |♥ ***
:::: Appreciation - a feeling of being grateful for something: an ability to understand the worth, quality, or importance of something : an ability to appreciate something ::::
*******
"Silver, something is written here." pinakita ko sa kanya yung mga numerong naroon sa ibabang parte ng papel. He examined it well before he set his sight at me.
"I think it's a code and maybe he wants us to decode it. I still don't have any idea on how to decode that. Itago mo na muna yan ng mabuti along with the previous letters he gave. May ganito rin ba yung mga sulat na binigay niya sa iyo dati?" sinubukan kong alalahanin ang mga sulat na nabasa ko dati pero wala naman akong napansin na mga ganitong codes na nakalagay sa mga iyon.
"Wala namang ganito sa mga sulat dati." sagot ko sa kanya.
"Okay. Anyway let's go. Malapit nang gumabi kaya dapat ka nang umuwi. Your mom will start worrying about you." aniya tsaka niya ako inakbayan. Naglakad na kami palabas ng gusali at pumunta sa classroom namin para kunin ang mga gamit namin. Di na namin naabutan ang mga kaklase namin maging ang Chuchu Friends. May iniwan lang silang sticky note sa ibabaw ng mesa ko saying that they really need to go home early.
After that, Silver sent me home because he is worrying for me being alone. I told him not to worry about me but he insisted. Ayaw niya raw umuwi ako nang mag-isa lalo na't gabi na ( unless kasama ko raw ang Chuchu Friends ). Nang maihatid na niya ako sa bahay ay pinauwi ko na agad siya dahil baka mas gabihin pa siya dahil sa kadaldalan ni mama. My mother might invite him for a very long talk and I find it bad for him and for the sake of my privacy. Alam niyo naman kung gaano ka ma-kwentong tao si mama. Pati buhay ko dati talagang ikukuwento niya kahit yung pagkahulog ko sa hagdan noong graduation ko sa elementary. Yes, she really shared that thing to my ninang and ninong at talagang pinagtawanan nila ako. Nakakahiya na nga ang pangyayaring iyon gusto pa niyang ipaalala sa akin, tsk!
Anyway bakit ko ba kinukwento sa inyo yun?
Pumanhik na ako ng hagdan matapos kong maghugas ng pinagkainan namin. Naglinis na rin ako ng katawan pagkatapos ay inihanda ang sarili sa pagtulog. Saktong pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa aking paningin ang dugyot kong kapatid na si Lemon.
"Anong sadya mo dito? Labas. Matutulog na ako." saad ko tsaka kumuha ng blower para patuyuin ang buhok. Naupo ako sa silya tsaka sinimulan nang paganahin ang blower.
"Grabe siya. Bawal na ba ako dito sa kwarto mo?" aniya tsaka kumuha ng popcorn at kinain yun. Napa-tsk ako dahil nakita kong may nalalaglag na popcorn mula sa bowl na nasa kadungan niya at napupunta iyon sa kama ko. At talagang isang dakilang dugyot talaga ang kapatid ko kasi dinampot niya pa rin ang mga iyon tsaka kinain kahit na alam niyang napunta yun malapit sa paa niya!
"Hoy umalis ka nga diyan sa kama! Baka pagpiyestahan ako ng langgam mamaya dahil diyan sa kinakain mo!" utos ko sa kanya pero ang bruha hindi nakinig. Nanuod lang ito ng Heroine Disqualified. Pag ako nilanggam mamaya talagang siya ang i-aalay ko kapalit ng kaligtasan ko!
"Kyaaaaa! Ang pogi talaga ni Kento!" kinikilig niyang sabi tsaka pinaghahampas yung mga unan sa kama. Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan siya. That's weird. At kailan niya natutunan ang kiligin ng ganon?
"At kailan ka pa natutong lumandi ng ganyan?" taas ang kilay kong tanong sa kanya.
"Bakit? Bawal na ba akong kiligin? Ikaw nga nag-boyfriend ka na kahit bawal pa." natahimik ako dahil sa sinabi niya. Okay, she just assaulted me a reason and that's a bullseye to my side. Hindi ko na siya pinakialaman pa kahit mukha na itong nangingisay dahil sa kilig. Baka kung ano pa ang lumabas sa bunganga ng bruha.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Novela JuvenilBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...