*** ♥| Heartstring 26 - Indulge |♥ ***
:::: Indulge - to allow (someone) to have or do something even though it may not be proper, healthy, appropriate, etc.: to patiently allow (someone) to do or say something ::::
********
KADILIMAN ang bumungad sa akin pagpasok ng mini bar. Muntikan pa akong matumba dahil sa nagraragasang tao na papalabas. Lahat sila ay nagmamadali at karamihan ay nagsisigawan dahil sa pangamba na baka may kung anong nangyayari sa school.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako nangangamba sa nangyayari sa school. Ang tanging iniisip ko ngayon ay kung saan ko mahahanap ang bandang Ecstasy at nang masagip ko si Silver sa nagbabadyang panganib na maaaring gawin ni Red sa kanya. Sa mga oras na ito alam ko na gumagalaw rin si Red kaya hindi maaaring maunahan niya ako.
"Silver!?" sigaw ko habang pilit na hinahanap sa paligid si Silver. Hindi ko dala ang aking cellphone kaya wala akong magamit na pang-ilaw sa kadiliman ng paligid.
"Naomi!? Ikaw ba yan!?" narinig ko ang boses ni Shane at maswerte ako dahil nagkatagpo kami. Niyakap niya agad ako at itinuon sa akin ang flashlight na likha ng kanyang cellphone.
"Tara na! Delikado kung nandito pa tayo sa loob!" rinig kong sabi ni Francheska bago kami hinila ni Shane. Pinigilan ko si Francheska na hilain ako kaya nagtataka itong napalingon sa akin.
"Tara na! Masyado nang magulo dito sa loob!" taranta nitong wika pagkatapos ay hinila uli ako. Hinawakan ko ang kamay nito na hinahawakan ako sa pulso.
"Asan na ang ibang Chuchus!?" nilakasan ko ang boses ko upang marinig nila ako. Masyadong maingay sa loob dahil sa mga estudyanteng nagtatawag ng mga kasamahan nila dagdag narin sa ingay ang mga tilian ng mga babaeng estudyante na halatang takot na takot.
"Nasa labas na! Nauna na silang lumabas dahil hinanap ka pa namin!"
"Nakita niyo ba ang bandang Ecstasy!?" tanong ko uli.
"Wala kaming balita sa kanila! Tara na, Naomi kailangan na nating lumabas! Hindi pa natin alam kung ano yung sumabog kanina!" wika nito bago ako hinila ulit. Nagpatangay na ako sa kanila hanggang sa ilang hakbang nalang ay makakalabas na kami sa bar. Lumingon uli ako sa likuran at nagbabasakali na mahagip ng aking paningin si Silver o kahit ni isa sa kanyang kabanda ngunit nahirapan akong maghanap dahil sa dilim ng paligid.
"Francheska pahiram ng cellphone mo!" napatigil kami sa paglalakad. Hinarap niya ako at tinuon sa akin ang flashlight ng cellphone niya.
"Bakit!? Ano bang pinaplano mo!? May naiwan ka ba sa loob!? Mamaya na natin hanapin yun! Antayin na muna natin na hindi na delikadong pumasok dito!" may bahid ng inis sa boses ni Francheska. Sumunod nalang ako sa kanya dahil nararamdaman kong nagagalit na ito. Ayaw kong magalit ito nang tuluyan kaya kahit nagdadalawang-isip ako ay binura ko na ito at sumunod nalang sa kanila.
Maraming estudyante ang nasa paligid ng labas ng bar. Nasa isang open ground na kami nagtipon upang masiguradong safe kaming lahat. Tanging ilaw ng flashlight at sinag ng buwan ang nagbibigay ng ilaw sa aming paligid. Lahat ay takot, nakakarinig ako ng iyak at marami rin ang may katawag sa cellphone nila.
"Okay guys! Calm down! We are all safe in this area so please don't leave this place until the school admin will grant us permission to leave. Understood!?" anunsyo ng Supreme Student Council President ng school namin. Sumunod naman ang lahat dahil wala ni isa sa amin ang umalis.
"Naomi, okay ka lang?" umupo sa aking tabi si Sharm. Naka-upo kami ngayon sa damuhan habang naghihintay ng pahintulot na paalisin kami. Inabutan niya ako ng tinapay kaya tinanggap ko ito.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Teen FictionBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...