*** ♥| Heartstring 16 - Pervert |♥ ***
:::: Pervert - to cause ( a person or a person's mind ) to become immoral or not normal; a person whose sexual behavior is considered not normal or acceptable. ::::
*******
[ Naomi's POV ]
Labis na ang pag-aalala namin ni Luke kay Silver dahil mainit pa rin ang noo nito. Sinugod na agad namin si Silver sa ospital upang mabigyan ng lunas yung lagnat niya. Ngayon ay nagpapahinga na si Silver sa kanyang pribadong silid. Mahimbing na itong natutulog sa kanyang kama.
"Sa ngayon okay na yung sitwasyon ng pasyente. Bumababa na yung lagnat niya kaya kailangan niya lang magpahinga." wika ng doktor. Napatingin ako kay Silver na wala pa ring malay mula kanina.
"Okay, thank you doc." pagpapasalamat ni Luke. Lumabas na yung doktor at naiwan kaming tahimik ni Luke. Napabuntong hininga ako bago nagsalita.
"Aish! Kainis talaga itong walanghiyang ito. Bakit ba kasi sumama eh masama na pala yung pakiramdam mula pa nung umaga? Pa-hero rin ang peg noh? Aish! Kung wala lang itong lagnat malamang binatukan ko na ito e!" panghihimutok ko habang inaayos yung kumot ni Silver. Narinig ko ang mahinang tawa ni Luke. Lumapit ito sa akin pagkatapos ay umupo sa katabing silya.
"There are reasons why, Naomi." napatingin ako kay Luke matapos niyang sabihin iyon. Hindi naglaon ay bumalik sa aking isipan yung mga nangyari kanina.
Yes, Luke. There are reasons and I knew it. He told me the reasons why he kept on bugging which made us let him join. I knew the reasons why he kept on pissing me. I knew every reasons behind it.
"Uh, I think I have to go. Mukhang di na ako kailangan dito hehehe." ani ko bago tumayo.
"Naomi, I swear mas kailangan ka niya." hindi ko na naituloy ang pagdampot ng bag ko. Lumingon ako kay Luke at nakita kong nakangiti ito sa akin.
"Lol, bakit naman? Ano ako doktor?" pagpapatawa ko bago kinuha yung bag pagkatapos ay ikinabit ito sa aking balikat.
"Oo hindi ka nga doktor pero kailangan ka niya. Anyway you can go. I'll call you if he's awake." tumango ako bilang tugon. Lumapit ako kay Luke at niyakap ito.
"Salamat sa date kahit may epal hahaha." I said while embracing him.
"You're welcome. Jeez, Naomi .. stop flirting with me could you?" humiwalay ako sa pagyakap sa kanya pagkatapos ay binatukan siya.
"Baliw! Anong masama sa pagyakap? Flirting ba tawag nun? Geez." natawa lang ito habang hinihimas yung batok niya.
"Nope, pero kung ikaw yung yumayakap sa akin mas lalo akong naiinlove sa'yo." aniya habang nakatingin sa akin na may ngiti sa labi.
"Sira ka talaga Lukas. Sige na alis na ako. Alagaan mo na yan tarantadong yan. Bye!" wika ko bago lumabas ng silid. Hindi ko na hinintay pa yung sagot niya. Agad akong napasandal sa pintuan nang masara ko na ito. Sinapo ko yung dibdib ko na halos gusto na atang kumawala ng puso ko dahil sa sobrang lakas ng pintig nito.
"Fudge ka talaga Luke. Ang gulo niyo talagang magpinsan." bulong ko sa aking sarili. Huminga ako ng malalim bago inalis ang sarili sa pagkakasandal sa pintuan pagkatapos ay nagsimula nang maglakad.
Nag-intay na muna ako sa tapat ng elevator since ayaw kong maghagdan dahil nasa 15th floor ako. Hindi ko pa na-press yung arrow down botton ay bumukas na yung pinto ng elevator at tumambad sa aking paningin ang isang magandang babae na sa tingin ko ay nasa 18 - 20 pa yung edad. Tumabi ako upang mabigyan ng daan yung magandang babae at hindi ko inasahang marinig ang usapan nito sa katawag niya sa cell phone.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Teen FictionBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...