*** ♥| Heartstring 18 - Attempt | ♥ ***
:::: Attempt - to try to do (something) : to try to accomplish or complete (something). ::::
*******
Ilang minuto narin ang lumipas at hanggang ngayon ay nakatago pa rin kami sa likod ng pintuan. Hanggang ngayon ay magkadikit parin kami ni Silver and to tell you honestly gusto ko na talagang umalis sa pinagtataguan namin dahil aside sa sobrang init na at pinagpapawisan na ako, dagdag mo pa itong si Silver na kung may pagka-assumera man akong utak ay maiisip ko talagang nantsatsansing na ito.
"Oh mga love birds labas na, nasa taas na si mama." matapos kong marinig ang boses ni Lemon ay agad na akong umalis sa pinagtataguan namin.
Jusme, parang mamamatay ata ako sa sobrang awkward ng mga nangyari kanina. Nakita kong lumabas narin si Silver at nag-ayos ng sarili.
"Kailangan talagang magkadikit kayo ng ganon?" pa-epal at ala chismosang tanong ni Lemon.
"Loka ka ba? Sobrang liit kaya ng espasyo diyan sa likod ng pinto. Eh kung ikaw kaya ang ikulong ko diyan buong araw?" naiinis kong wika kay Lemon at ang bruha ay inirapan lang ako. Geez sarap talaga dukutin ng eyeballs.
"Oh sha, matulog ka na sa taas. Ihahatid ko pa itong takas sa mental." tukoy ko kay Silver. Sinulyapan ko si Silver at nakita ko ang mga tingin nitong may kasamang inis na nakapako sa akin.
"Kahit kailan ang sama mo talaga sa akin." pagdadrama ng loko.
"Hoy ate feeling maganda ka talaga. Huwag mo ngang sinasaktan si kuya Silver." suway ng kapatid ko sa akin na siyang ikinasinghap ko.
Wow lang ha? Ba't pakiramdam ko tingin nila sa akin kontrabida? Eto namang Pilak nato nagbabait-baitan.
"Kung alam mo lang kung gaano ka sama ng ugali ni Silver tiyak ayaw mo na siyang makita pa kahit kailan."
"Talaga? E bakit hanggang ngayon nakukuha mo pa ring harapin ako?" pumanaig ang katahimikan sa loob ng bahay dahil sa tanong na ibinato ni Silver sa akin. Letse, bakit nga ba? Aish ang galing talaga maghanap ng gusot ni Silver ano?
"Kasi .. kasi .. e ikaw kasi eh! Ang kulit mo kayang damuho ka! Tara na nga baka abutin pa tayo ng pagsikat ng araw! Akalain pa ng pamilya mo dinukot kita. As if naman gagawin ko yun." sagot ko pagkatapos ay hinila na si Silver palabas.
"Lemon matulog ka na." bilin ko sa kapatid ko bago kami makalabas ng tuluyan sa bahay. Doon lang pumasok sa isip ko na nakapantulog pala ako. Aish! Nagmumukha tuloy akong kasali sa pagtakas sa ospital! Gusto ko sanang magbihis man lang kaso huwag na at baka mahuli pa ako ni mama. Kahit kailan talaga may kaakibat na panganib kapag kasama ko si Silver. Nakukuha kong mag cutting ng klase noon kasi pinilit niya ako tapos ngayon naman tatakas ako ng bahay kasi ihahatid ko siya.
Teka lang bakit ko nga ba siya ihahatid? E pwede namang bigyan ko siya ng pera upang siya nalang ang bumalik sa ospital.
Tsaka may pera naman siya ah!? tsk!
"Are you going to stare that plant until the sun comes out?" nagising lang ako mula sa mahabang pakikipagtitigan sa halaman nang estorbohin ako ni Silver. Bumuntong hininga nalang ako pagkatapos ay hinila siya.
"Tara na." wika ko habang hinihila siya.
Tahimik lang kaming naglalakad sa kalye. Laking pasasalamat ko sa liwanag na binibigay ng buwan pati narin sa iilang poste ng ilaw na tinutulungan ang mga mata ko na makita ang daan. Higit sa lahat, tinutulungan akong hindi makaramdam ng takot. Ayaw ko talaga sa madidilim na paligid at kung madilim man ngayon na yung tipong wala na talaga akong makita aba'y kanina pa siguro ako nakasiksik kay Silver.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Teen FictionBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...