♥ Heartstrings 22 - Letter (Part 1) ♥

73 3 0
                                    

*** ♥| Heartstring 22 - Letter (Part 1) |♥ ***

:::: Letter - a direct or personal written or printed message addressed to a person or organization ::::

********

I stared at the large banner posted in school's entrance. Kaninang gabi pa nangungulit ang Chuchu Friends na pumasok ako ng maaga nang masimulan na namin ng maaga yung booth namin. Yes, today is our school's foundation day. Simula pa kahapon ay sobrang abala kami sa pagbili ng mga disenyo para sa aming silid upang magmistula itong sweets cafe. Dahil sa sobrang pagod ay napatagal yung gising ko. I am now so freakin late and I must expect Francheska's words.

Pumasok na ako sa loob ng school at kapansin-pansin ang dami ng mga tao ngayon. Mukhang may taga ibang school rin ang dumating. From a far, I saw Ren and Ven handing some papers to passers-by. Kinawayan ko ang dalawang hunghang and they waved back. Nilapitan ko ang dalawa.

"Oh? Ano ba yan?" tanong ko habang nakatingin doon sa mga papel na hawak nila. Binigyan ako ni Ven ng isang papel at binasa ko ang mga nakasulat dito.

"Battle of the bands! Nakalimutan mo na ba?" napatingin ako kay Ven nang maalala ko na iyon. Fudge, ngayon nga pala yung battle of the bands. Ba't ko nga ba nakalimutan yun.

"Ay, oo nga pala. Sa C.A. mini bar parin pala yung venue." I said while my eyes were set upon the papel I am holding.

"Yes, be there. Ayain mo narin yung mga kaibigan mo ha?" wika ni Ven kaya nginitian ko ito. "Oo naman, kailan pa ba absent yung mga yun tuwing tutugtog kayo?" sagot ko rito. Hinanap ko si Ren at nakita kong nagbibigay pa rin ito ng mga papel na flyers para sa gaganaping battle of the bands mamaya. Tsk, mukhang walang paki yung loko sa akin ah.

Nakatalikod ito mula sa akin kaya nilapitan ko ito at pabiglang inakbayan.

"Hoy! Grabe ka Ren ha. Di mo na ata ako pinapansin. Nakakatampo ka alam mo yun?" pagbibiro ko sa kanya.

"Di ah, gusto ko lang ubusin na itong mga flyers nang makapagpahinga na ako." aniya pagkatapos ay nginitian ako ng malaki.

"Oh sige, mauna na ako. Good luck sa inyo mamaya. Fighting!" wika ko. Nagpaalam na ako sa dalawa bago tuluyang umalis at tumungo sa classroom namin. Nasa malayo pa ako ay tanaw ko na ang mga kaklase ko na abala sa pagbubuhat ng mga kahon at iba pa.

Nagmadali akong lumapit sa labas ng classroom namin at eksakto naman ang paglabas ni Chinchin.

"Hoy gaga! Late ka na ah?" agad nitong bungad. Napatingin ako sa suot nito at kapansin-pansin nga ang labis na paghahanda nila sa para sa booth namin. Nakasuot ito ng uniporme ng waiter ng isang café.

"Pasensya na, napatagal talaga yung gising ko. Di ko napansin yung alarm ng cellphone ko e." pagpapaliwanag ko sa kanya.
Hinawakan niya ako sa pulso pagkatapos ay nagsalita.

"Aish! Oh sha hali ka na nga." hinila niya ako papasok ng classroom at talagang namangha ako sa naging itsura ng silid namin. Di mo aakalaing classroom ito. Mukha talaga itong coffee shop pati narin yung mga kaklase namin ay naka uniporme rin gaya ng mga tauhan ng isang coffee shop.

"Grabe ang ganda! Ang galing niyo talaga." kumento ko habang hila-hila parin ako ni Chinchin. Tumigil lang kami nang mapadpad na kami doon sa kitchen area. Nandoon sina Shane at Sharm na busy sa kakahalo ng mga sangkap.
Mukhang magbebake ata sila ng cake.

LANGYA, TALAGA NGANG LATE NA AKO.

"Hoy! Saan ka ba galing?" agad akong napatingin kay Francheska na may buhat na mga tray.

"Napatagal nga ang gising ko." paliwanag ko ulit. Jusme naman, pang-ilang beses ko pa ba ipaglandakan na late ako!?

"Oh yan isuot mo." biglang may ibinato si Chinchin sa akin. Tiningnan ko ito at nalaman kong uniporme pala ito.

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon