♥ Heartstrings 35 - Eliminate ♥

70 6 13
                                    

*** ♥| Heartstring 35 - Eliminate |♥ ***



:::: Eliminate - to remove (something that is not wanted or needed) : to get rid of (something) ::::


*******

[ Third Person's POV ]

"Red, ayoko na." kabadong wika ni Monica nang makapasok na siya sa silid. Kahit kinakain na siya ng takot dahil sa pinaplano niyang gawin ngayon ay naglakas loob pa rin ito na kompruntahin si Red sa nais niyang pagkalas sa pagkakaugnay rito.

"Why so sudden, Monica?" boses na nanggagaling sa isang maliit na speaker na nasa ibabaw ng mesa. Walang ibang tao ang nasa loob ng silid kundi si Monica lang. Tanging ang speaker na nasa ibabaw ng mesa ang nagsisilbing tulay upang magkaroon sila ng komunikasyon. Pero kahit ganun ay hindi pa rin siya mapakali dahil sa tensyon na kanyang nararamdaman. Monica is aware of the cruelty and the evil doings of this person she is talking with. Kaya naman ay halos gusto na niyang lisanin ang silid na pinagkublian niya ngayon.

Alam na alam niya na may mga matang nakatingin sa kanya ilang distansya lang mula sa silid na naroon siya.

Honestly she never had any idea of how does Red look like. Wala rin siyang ideya kung sino ito. Ang tanging komunikasyon na nag-uugnay sa kanila ay ang kulay itim na papel na nakasilid sa parisukat na envelope at ang pagtawag ng taong iba-iba ang boses. Minsan lalaki ang boses ng tumatawag sa kanya, minsan naman ay babae, at may pagkakataon rin na distorted ang boses nito. Monica's engagement with Red isn't about money. She wasn't aiming for any exchange of money however, this evil ill minded person was trying to use her weakness. As a result, Monica was deceived and her rational mind falls like an avalanche.

Dahil sa kapalit nitong pagpapakilala sa kanya kay Henry, she opened up her hand and held the dangerous game which Red asked her to do. Nangako ito na pagbibigyan siya ng siguradong pagkapanalo na maka-date si Henry sa umanong 'Date Your Idol' event na magaganap sa school. Hindi niya alam kung totoo bang may ganoon nga na gaganapin sa Celestine Academy pero nakakarinig siya ng mga chismis na mismong ang bandang Comet raw ang maghe-held ng event na ito as a gratitude sa mga fans nila. Even though there is no legitimate news whether the rumor is true, she chose to believe in it.

Madali lang ang pinapagawa ni Red, ito ay ang isalisi ang boteng galing kay Red doon sa boteng ibibigay kay Silver. Ang tanging alam niya lang ay dine-solute na sleeping pills lang ang nilagay sa tubig na pinapabigay ni Red kay Silver. Alam ni Monica ang planong pagsabotahe ni Red sa laro upang manalo ang kupunan ng Comet. Mas lalo siyang nadala sa plano ni Red dahil kasali sa mga naglalaro ang lalaking matagal na niyang gusto. Para sa ordinaryong babae gaya niya na may pagkamahiyain pa, kahit kailan ay imposibleng mapansin siya ng isang popular na si Henry.

Red's dirty offer is the easiest way for her to get closer with Henry. Madali lang siyang naloko nito dahil sa kabaliwan niya sa binatang ito. Matagal nang may gusto si Monica kay Henry at kung may paraan man na mas mapapalapit siya sa lalaking may pagka anti-social ay gagawin niya.

"You deceived me, Red. Hindi sleeping pills ang nakalagay sa tubig ni Silver! It's a poison! You never tell me about that! What if may magkalat na ako ang nagbigay ng tubig na yun kay Silver? I don't want to put my name in dishonor!" galit niyang sabi habang nakayukom ang mga kamay. She's about to cry but the bizarre voice stops her to do so.

"Don't worry, Monica. Hindi ba't sinabi ko sa iyo na siguraduhin mong walang makakakita sa iyo? I told you already about that so it's your fault if you haven't done your mission wisely. You should have picked the right time to sneak that poison positive water while there wasn't a pair of eyes watching your way." napapikit ang dalaga dahil sa samot-saring mga bagay na gumugulo sa kanyang isip. Napakagat siya ng labi nang maalala niya ang sinabi ni Naomi sa kanya na may alam si Joshua sa kanyang ginawa. Hindi imposible na kakalat ang kanyang ginawang panlalason lalo na't may taong nakakita sa ginawa niya.

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon