*** ♥| Heartstring 2 - Stranger |♥ ***
:::: Stranger - someone who you have not met before or do not know ::::
[ Naomi's POV ]
Nakarating narin kami sa tapat ng tambayan nila. Saktong pagbukas ng pinto ay naabutan naming busy talaga sa paglilinis ang ilang myembro ng Ecstasy.
Sina Ren, Ven, at Prince lang ang nandito. Lacking Luke and Shawn, asan na kaya ang mga yun?
"Asan si Luke? Tsaka si Shawn?" tanong ko kay Silver.
"Ewan, papunta narin ata ang mga yun dito" sagot niya. Agad na napatingin sina Ven, Ren, at Prince sa amin .. pero nakaramdam ako ng hiya nang makita kong bumaba ang paningin nila sa kamay namin.
Agad kong inalis yung pagkakahawak ni Silver sa kamay ko. Hindi ko na pala namalayang kanina pa pala kami ganun, eww. Ayaw ko pa namang mapagkamalang isa sa mga nahuhumaling sa Pilak na'to. Napayuko ako dahil sa sobrang hiya. Maryosep, pag-uusapan na naman ako ng mga halimaw na ito.
Nagsimula na kaming magligpit ng mga kalat. Sobrang gulo ng tambayan nila. Natumba yung mga sofa, maraming basag na vase, tsaka pati rin yung kwarto nila sobrang gulo.
Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung sino ang may gawa nito. Hindi naman halatang malaki yung galit niya ( o di kaya nila ) sa grupo ng Ecstasy.
"Naomi" nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Ren. Tumabi ito sa akin bago nagsalita ulit.
"Uhh .. may dapat ba kaming malaman?" napa-awang ko yung bibig ko. Anong ibig niyang sabihin? Kung anu-ano lang talaga ang dumadapong tanong sa utak ni Ren.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Winalis ko yung mga basag na vase pagkatapos ay sinilid sa garbage cellophane na hawak ni Ren.
Naramdaman kong binangga ako ng mahina ni Ren kaya naging dahilan ito ng malapitan kong pagtumba. Buti nalang na balance ko agad yung sarili ko. Pag ako natumba ng tuluyan talagang hahatawin ko si Ren nitong walis na hawak ko.
"Alam mo na .. yung tungkol sa inyo ni Silver" bulong niya sabay taas baba ng kilay. Napangiwi ako dahil dun.
"Ano bang pinagsasabi mo? Walang meron sa amin, okay?" sagot ko. Agad kaming napabalik sa paglilinis nang makita namin si Silver na papalapit sa amin.
"Ren? Pwede bang tulungan mo dun sina Ven at Prince? Magulo kasi dun sa kwarto tsaka kaya na namin dito sa sala" wika niya. Nakita kong ngumiti si Ren na para bang nang-iinis.
"Gusto niyo lang ng moment eh" hindi pa siya nakalayo ay nasapol na agad yung ulo niya ng unan na binato ni Silver. Napangiwi ito bago kami binelatan tsaka agad na kumaripas ng takbo.
Kinuha ni Silver yung garbage cellophane na hawak ni Ren kanina pagkatapos ay tumabi ito sa akin.
"Silver? May tanong ako" wika ko upang basagin yung katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Napatingin ito sa akin. "Ano?" anito.
"May naging kaaway ba kayo? Kasi kung meron man .. pakiramdam ko isa siya sa may gawa ng panggugulong ito" sabi ko.
"Wala naman" sagot niya.
Talaga bang gusto ako ng halimaw na'to? Eh ba't parang iba siya sa mga romantic movies na nakikita ko sa telebisyon? Sobrang cold parin yung pakikitungo niya sa akin. Hindi kaya pinagkakatuwaan lang ako ng kumag na'to!?
"Silver, yung totoo .. kaya mo ba sinabi yung kanina kasi gusto mong tulungan ko kayo dito? Alam mo hindi mo naman kailangang lokohin ako para mapapayag mo lang ako" nakaramdam ako ng kaba nang seryoso siyang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Teen FictionBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...