*** ♥ | Heartstring 20 - Threat |♥ ***
:::: Threat - a statement saying you will be harmed if you do not do what someone wants you to do. ::::
*********
[ Silver's POV ]
We're in the middle of our practice when my phone rang. Nahinto ang pagtugtog namin dahil dun. Napatingin ako sa cellphone at inalam kung sino yung tumawag and I saw Naomi's name on the screen.
What's the matter? May kailangan ba siya?
"I'm going to accept the call, excuse me." paalam ko bago nilagay sa lalagyan yung electric guitar at lumayo ng ilang distansya mula sa practice area namin.
"Woah, himala ata at tumanggap ng tawag. Sino kaya yung tumawag at talagang di siya nagdalawang-isip na sagutin?" rinig kong wika ni Ven.
"Sige na, magsimula na kayo. Sayang yung oras." payo ko sa kanila kaya naman bumalik na sila sa pagtugtog.
I accepted the call then placed my phone right behind my left ear.
( "Oh diba? Hindi siya sasa----" ) unang rinig ko mula sa kanya. Nagsalita na ako upang ipaalam sa babaeng madaldal na natanggap ko na tawag niya. Kahit kailan madaldal talaga siya. But I began to like it somehow.
"Hello?" bungad ko. Matapos kong sabihin iyon ay di na ako nakarinig ng boses. Tiningnan ko yung screen ng cellphone at nakita ko namang di naman naputol yung tawag. Binalik ko uli yung cellphone sa pagkakadikit sa aking tenga.
"Hello? Naomi? What's the matter?" tanong ko. Hanggang ngayon ay wala parin akong narinig mula sa kanya. Napangiti ako dahil sa kalokohang pumasok sa isip ko.
"Na-miss mo ako? Ang bilis naman. Nagkita lang tayo kanina ah?" matawa-tawa kong sabi. Ilang saglit pa ay narinig ko na ang boses niya. Kapag talaga inaasar ko siya, di niya maiwasang di mapikon.
"Wow ha? neknek mo. Ano kasi .. busy ka ba?"
may bahid ng pag-aalinlangan sa boses niya. Umupo ako dun sa couch pagkatapos ay sumandal dito."Uh medyo. Bakit? you need something?" tanong ko habang nakatingin sa pader.
( "Ah wala! Wala akong kailangan." ) after a second she began to speak again.
("Uh actually meron hehehe. Pero kung busy ka okay lang. Busy ka right? O sha sige ba---")
"No, it's okay. Is there something happened?" kahit gaano pa kahaba yung usapan namin, I find it good. Masaya ako dahil tinawagan niya ako at wala akong pakialam kahit mahinto yung pagpapractice ko. Her voice relieved my stress.
("W-wala wala. Ano kasi .. yung about sa booth natin. Aish! ano kasi .. kailangan namin tulong mo pero kung ayaw mo o di kaya busy ka okay lang. Patayin mo na yung linya.") I smiled as I heard how she stammers. I could imagine her expression right now, maybe her face is in red.
"Where are you?" tanong ko. Tiningnan ko yung wall clock at nalaman kong 2:14 pa ng hapon. We still have an enough time to practice. So I think it's okay to leave our practice since I really need to entertain this girl who is now in doubt sa kung ano man ang dahilan ng pagtawag niya.
"Busy ka, diba? Mag practice ka na diyan. Okay lang talaga, Silver."
she said."Asan ka nga?" seryoso kong tanong.
"Hoy, sino yan?" napatingin ako kay Rio nang tumabi ito sa akin. Umiinom ito doon sa hawak niyang bote ng tubig habang nakatingin parin sa akin. Sinenyasan ko ito na tumahimik at ilang sandali pa ay nakita ko ang makahulugan nitong expresyon.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Ficção AdolescenteBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...