*** ♥| Heartstring 11 - Smile | ♥ ***
:::: Smile - to make the corners of your mouth turn up in an expression that shows happiness, amusement, pleasure, affection, etc. ::::
*******
Nang mawala na sa aking paningin si Silver ay napabuntong hininga ako. Okay, kaya ko 'to. Ngayon lang naman eh, pagkatapos nito ay hindi na ako lalapit doon sa mga taga-Comet chuchu na mga yun.
Sinuot ko na ulit yung pang-disguise ko kuno at bumalik na sa area na pinagdausan ng battle of the bands. As usual tilian everywhere ang maririnig mo. Well wala naman akong pakialam kung maputol man ang mga ugat nila sa leeg, as if I care. Ano naman ang mapapala nila sa pagsisigaw? Geez, buti nalang at hindi ako nahawaan sa kung ano mang virus na dumapo sa kanila.
Naglakad na ako papunta sa tapat ng stage. Hirapan pa talaga ang pagsuot kasi nga sa dami ng tao pero buti nalang at nakadaan rin ako. Jusme, anong nangyari sa airconditioner? Mukhang hindi na ata kinaya ang dami ng tao dito sa loob. Sobrang init na kasi tsaka pakiramdam ko ay anytime butil-butil na ang pawis ko at magmumukha na akong Sisa pagkatapos. Mukhang diyosa pagpasok, mukhang Sisa paglabas hahaha! Hinanap ko sa paligid yung lokong si Nickel at hindi ko maiwasang hindi mapabuntong hininga nang wala akong makitang pagmumukha niya o kahit ni isang hibla man lang ng kanyang buhok.
"Hoo! Buti naman at wala na yung perverted element na yun. Nasa backstage na siguro yun since tutugtog na ang banda nila." pagkakausap ko sa aking sarili pagkatapos ay napangiti ng ngiting tagumpay. Ngiting parang nakatakas mula sa pagkakasingil ng utang. Tanging yung isang babae na ka-team ko sa pagpipicture ang nakikita ko sa kabilang bahagi ng area. Busy na ito sa pagkukuha ng pictures at eto ako nakatunganga lang. Edi wow, sila na ang hardworking hmp!
Mas mabuti narin yung ganito. Hindi mahahalata yung ginagawa kong request ng Comet sa akin. Kapag nasa paligid ko kasi yung si Nickel masyadong halata. Mahihirapan akong iwasan ang lalaking yun. Sa tindi ba naman ng kakulitan nun? Aish, paano ko ba yun maiiwasan kapag Ecstasy na ang tutugtog? Paniguradong balik trabaho na si Nickel sa pagiging photographer kapag natapos nang magperform ng banda nila. Balik na naman siya sa katarantaduhang pangungulit sa akin. Jusme, tanging pambubulabog ng buhay lang ba ang kaya niyang i-alay sa akin? Ang hard niya ha.
Aish! Bahala na nga. Mamaya ko na poproblemahin ang isang yun. Ang dapat kong isipin ay kung paano ako makakakuha ng magandang kuha. Nakakahiya naman kung kahit ni isa wala silang magustuhan sa mga kuha ko.
Busy na sa pagtatalak ng kung ano-ano ang emcee kaya sinulit ko na ito upang ihanda ang camera na gagamitin ko. Napatingin ako sa emcee nang ma-mention niya ang tungkol sa bandang Comet. Kasalukuyan itong nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa banda nila Henry. Base sa mga narinig ko ay may apat itong miyembro at kasali na doon sina Henry at Nickel. Hindi ko maipagkakaila na nagkakaroon rin ako ng interes na makilala ng lubusan ang banda nila. Parang hindi naman sila ganoon ka-threat eh. Sobrang bait kaya ni Henry tsaka si Nickel makulit pero okay lang ( medyo napipilitan ako ng slight na sabihin yan hehehe ). Baka nga kapag mapatunayan kong mababait nga sila ay maging dahilan pa iyon para magkabati na ang dalawang grupo.
Pero hindi pa rin ako dapat magpa-dalos-dalos. Kailangan ko pang pag-isipan ng mabuti ang gagawin ko. I'll be a dead meat to Silver if I made something wrong. Halos masaulo ko na yung paulit-ulit niyang paalala sa akin tungkol sa pag-iwas sa bandang iyon. Geez, sumasakit ang ulo ko sa kanila tsk!
~ "At dahil ang dalawang banda ang nag-top 2 sa nakaraang battle of the bands, we are requesting them to play atleast 3 songs! Hindi lang dalawang kanta ang mapapakinggan natin sa dalawang bandang ito! Sino pa ba ang mabibitin niyan, hindi ba? Pareho pa rin ang mechanics, first song will be in tagalog. Second song will be in english then yung pangatlo is a free decision ng banda. Debale sila na mismo ang bahala kung anong kanta ang ikakanta nila. Okay ba kayo diyan C.A. people!?" naghiyawan ang mga audience sabay yugyug ng mga tarpaulin at kung ano-ano pang abubot na hawak nila.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Teen FictionBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...