*** ♥| Heartstring 50 - Ambush |♥ ***
:::: Ambush - to attack (someone or something) by surprise from a hidden place ::::
MAINGAY ang buong silid-aralan. Bawat isa sa amin ay may pinagkakaabalahan at meron din namang mag-isa lang pero may pinagkakaabalahan sa laptop at phone nila. Hindi kasi pumasok ang guro namin sa Physics dahil hindi raw maganda ang pakiramdam nito. Ang sinabi lang sa amin ng assistant niya ay bukas na raw ito papasok. Hindi naman nagpakabog si maam dahil may iniwan itong assignment na ipapasa bukas.
"Hoy, Chinchin, anong balita 'dun sa online business niyo ni Francheska? Wala na kayong nasabi tungkol 'dun ah?" natanong ni Shane. Nakaupo kami sa mga upuan na pinagdikit namin nang makapag-usap kami ng maayos.
Wala sina Silver at Ven sa loob ng silid. May practice kasi sila ng mga kabanda niya kaya sinulit nila ang absent ng guro namin sa pag-practice. Inimbitahan kasi sila ng isang kaibigan nila sa isang band group nila outside the school. Gusto ata na tumugtog sila sa kung ano mang upcoming event.
"Okay lang naman mamang. Getting stronger. Sino ba naman kasi ang hindi bibili kung sobrang ganda ng mga may-ari ng business?" may kayabangang sagot ni Chinchin. Sinundan niya pa ito ng bungisngis. Gayon din ang business partner niyang si Francheska.
"Girls, may tanong ako," singit ko sa usapan. They diverted their gazes to my side. Maging si Sharm na naglalagay ng nail polish sa mga kuko niya ay sandaling natigil.
Kanina pa kasi ako tahimik. They keep on nagging me kung ano raw ang problema ko pero sinasabihan ko lang sila na 'wala'. After hearing my plain answer, which they aren't convinced on it, they will mention Silver's name as the culprit of my sudden mode of silence.
"Anong tanong? Kung bakit kayo nag-away ni Silver? Aba malay namin." sinamaan ko ng tingin si Francheska.
"Pwede ba, sabing walang problema sa amin, okay? May tanong ako. Kung may taong ayaw magpakilala sa inyo tapos pilit niya kayong ginugulo just by doing some weird stuff, ano ang gagawin ninyo?" tanong ko na ikinadahilan ng pag-awang ng bibig ni Chinchin.
"Ano 'yan? Ginugulo ka ba ng fan ni Silver?! God! Sana sinabi mo na agad sa amin nang maaksyunan natin!" nag-aalburutong wika ni Francheska. Tinaas pa nito ang mga manggas ng damit sa magkabilang braso na wari ba ay handa nang makipagsuntokan.
"Ew, girl 'di bagay sa iyo. Mukha ka pa ring bakla," pang-aasar ni Sharm. Naging dahilan ito ng tawanan. Maging ako na medyo wala sa mood ay napatawa rin.
"Eh 'di wow! Gawin ba naman akong source of laughter," saad niya bago binaba ang mga nakataas na manggas sa braso. Hinawi niya ang kanyang bangs patungo sa kaliwang bahagi ng kanyang noo.
"Girls, just answer my question. But before that let me clarify to each one of you, lalo ka na Francheska, na wala akong paki sa mga fan ni Pilak," I said.
"Woah, angas ni ate ah! What if may biglang manlandi 'don sa boyfriend mo?" mapanghamon na tanong ni Francheska. Ibinaba ko ang pocketbook na hawak ko.
"Of course wala pa rin akong pakialam. Pero once na 'yong Pilak na 'yun papatol sa kung sino mang higad na manlalandi sa kanya makikita niya ang hinahanap niya. Gagawin ko talaga siyang ginto!" may diin kong sabi. Narinig ko ang hiyawan ng mga hunghang. Napailing nalang ako tsaka binalik ang mga mata sa pagbabasa ng pahina ng pocketbook na kanina ko pa binabasa. Wala rin akong naiintindihan kasi masyadong preoccupied ang isip ko sa kay Red.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
TienerfictieBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...