[ Continuation... ]
[ Naomi's POV ]
"Asan ba pupunta yung mga banda?" tanong ko kay Chinchin nang makita kong nagsitayuan ang mga ito at mukhang may pupuntahan.
"Baka sa backstage, bakit?" aniya.
"Wala, natanong ko lang." sagot ko. Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko kaya tiningnan ko ito. Nakita kong may text si Silver sa akin.
Tiningan ko muna kung nakatingin ba sa akin ang katabi kong si Sharm at Francheska buti naman at abala ito sa pakikipag-usap kay Chinchin. Hugis bilog kasi yung table at silang dalawa ang katabi ko. Binuksan ko na yung message at binasa yung mensahe.-----------
From: PilakWhere are you?
-----------
Aish, kung makapagtanong akala mo naman kung sino. Anong akala niya sa akin may dalang bagay na kailangan niya?
-----------
To: PilakDuh! malamang nasa C.A. Mini Bar. Ba't ang tagal magsimula?
-----------
Ilang sandali pa ay nagreply na ito. Palihim ko paring binabasa yung text niya. Mahirap na at baka asarin na naman ako ng mga ito dahil ka text ko yung damuho. Lahat nalang kasi ng ginagawa ko na involve si Silver binibigyan agad nila ng meaning. Kaasar lang.
------------
From: PilakDahil di pa time na magsimula. We are still having our dinner. Atat ka nang makita ako no?
------------
Napasinghap ako dahil sa sinabi nito. Gusto ko tuloy hanapin siya tapos sabunutan nang tumino.
"Hoy, ano ba yang pinagkakaabalahan mo?" ikinalaki ng mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Francheska. Dahan-dahan akong nag angat ng tingin sa kanya at nasilayan ko na ang kilay nitong nagtataray.
"Uh, si Lemon kasi. Kanina pa ako kinukulit na bumili raw ako ng chocolate." palusot ko sa kanya. Nakahinga naman ako ng mabuti nang mapansin kong hindi na ito naghinala. Bumalik na ulit ito sa usapan nila kaya binalik ko na ang atensyon ko doon sa cellphone na hawak ko.
-----------
To: PilakWow, asa ka boy. Langya di niyo ba naisip na may tsan rin kami? Nagugutom rin kami noh.
-----------
Ilang minuto lang akong naghintay at nakatanggap na ako ng reply mula sa kanya. Kumakain pa naman ito. Baka magalit ito dahil ini-istorbo ko siya.
-----------
From: PilakDon't worry. Alam kong masiba yang tsan mo sa pagkain kaya nag-order na ako ng pizza kanina. Get it at the backstage tapos pagsaluhan ninyo. Pag may humarang sa iyong staff just say that I allowed you to enter. Pakita mo sa kanila itong message. Pag di ka nila pinapasok ako ang haharap sa kanila.
----------
Napakamot ako ng batok habang nakatingin sa text niya. Kumunot narin ang noo ko dahil sa mga pinagsasabi nito.
Geez! Bakit kailangan niya pang gawin yun!? Aish! Naghahanap talaga siya ng paraan na maasar kaming dalawa ano?
-----------
To: PilakAy thank you nalang. Busog pa naman kami.
------------
Isang minuto lang ang lumipas ay nagreply na agad ito.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Novela JuvenilBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...