♥ Heartstrings 7 - Affection ♥

147 5 7
                                    


*** ♥| Heartstring 7 - Affection |♥  ***

:::: Affection - a feeling of liking and caring of someone or something; feelings of love; a person's romantic feelings. ::::

********



-------

Chuchus! Winasak ng halimaw yung earpiece ko. Maya na ko mageexplain sa inyo kung ano yung nangyari.

-------

Yan ang text ko kina Chinchin bago bumalik doon sa area kung saan nagaganap ang engrandeng handaan. Nakikita ko parin yung grupo ng ecstasy and good thing busy na ang mga ito sa pag-uusap. Seryoso na ang mga mukha nila na nakikinig sa manager nila.

'Naomi, lakihan mo na ang mga mata mo ngayon din! Baka huli ka na sa pakay mo dito!' utos ko sa aking sarili.

Halos magtatalon sa tuwa ang puso ko nang makita ko na yung pwesto ng pamilya ni Francheska at nung pamilya ng babae. Infairness bongga rin yung family ng girl.

I took a deep breathe then I started to compose myself. Kaya mo yan Naomi! Patunayan mo na may future ka maging actress! Patunayan mo na katanggap-tanggap kang sumali ng drama club.

Ginawa ko na yung lakad pangmayaman. Hindi ko alam kung saan ko napulot yan. Basta yung lakad na akala mo dadaan sa red carpet, pero siyempre hindi ako kumaway-kaway. Ano ako hunghang?

Halos lumuwa ang mata ni Francheska nang mapansin niya ako. Hindi niya ata inakala na susulpot ako dito. Nang makalapit na ako sa mesa nila ay nag-bow ako sa kanila as a sign of respect.

"Good evening po." wika ko sabay ngiti. Nakita ko ang pagtatakang eskspresyon na nakabahid sa kanilang mga mukha. Lumipat ako sa pwesto kung nasaan si Francheska.

"Good evening, boyfie!" wika ko sabay ngiti kay Francheska. Yumuko ako na wari ba ay hahalikan ko siya sa pisngi pero iba talaga ang pakay ko. Bumulong ako sa kanya.

"Sabayan mo ang acting ko kung gusto mo pang mabuhay nang malaya." matapos ko siyang bulungan ng ganyan ay tumayo na akong ng mabuti at nginitian sila.

Grabe, I felt so awkward. Anong katangahan ang nakain ni Francheska ngayon?! Dala ba ito ng depresyon?! Tama bang hayaan lang ako ditong mapahiya? Pakiramdam ko tuloy nagmumukha akong baliw na bigla nalang sumulpot!

Tiningnan ko ng tinging pagbabanta si Francheska. Nakuha naman niya ang ibig kong ipahiwatig kaya dali-dali itong tumayo at inakbayan ako. Ngumiti narin ako sa kanila para magmukha talagang totoo ang gagawin naming eksena.

Buti nalang nakuha niya, kung hindi kakaladkarin ko ang baklang to palabas ng resto.

"Uhmm .. mom, dad. This is Naomi .. my g-girlf-friend." halos masamid pa siya sa pagsalita ng salitang girlfriend. Sapakin ko kaya 'to?! Ang arte. Palibhasa boyfriend pala ang hanap nito. Tsk, ano na ba ang nangyayari sa mundo? Ke gwapong lalaki, lalaki rin yung gusto? It's getting unfair! Paano nalang yung genes nila? Hindi na dadami?!

"W-what?!" naramdaman kong naguguluhan na ang tatay ni Francheska sa pangyayari. Maging ang pamilya ni girlush ay napapatingin na sa isa't isa na para bang ang dami nilang katanungan. Full of questions ang peg nila.

"Oh, okay. Please take a seat lady" wika ng nanay ni Francheska. Alam ng mommy ni Francheska ang totoong kulay at puso ni Francheska kaya siguro labis ang pagtataka nito kung bakit nagkaroon ng girlfriend ang anak niya.

Etong walanghiyang bakla nauna nang maupo. Hindi man lang ako pina-upo sa upuan ko. Great, walang kwentang fake boyfriend.

"Uhmm .. sir, ma'am. I'm sorry kung naging padalos-dalos ang pagpunta ko dito. I didn't mean to disturb this important meeting of yours. Gusto ko sanang ipakilala ko ang sarili ko sa inyo. I am Naomi Isabel Chua. I am Frederick's girlfriend and we are almost 1 year in relationship. Tinago lang po namin yung relasyon namin dahil natatakot po kami na baka paghiwalayin niyo po kami dahil nga nag-aaral pa kami. Pero Mrs. Perez and Mr. Perez, mahal na mahal ko po ang anak ninyo." wika ko with feelings. Mangiyak-ngiyak pa ako nang sabihin ko ang mga yon.

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon