*** ♥| Heartstring 34 - Threshold |♥ ***
:::: Threshold - the point or level at which something begins or changes ::::
*******
NAKASUBSOB lang ang aking mukha sa ibabaw ng desk. Sana pala hindi ko nalang pinaalam sa mga lokang ito yung nangyaring date namin ni Silver noong isang araw. Walang humpay na yung pangangantsaw nila sa akin na kulang nalang ay ipaalam nila sa buong school na ka-date ko si Silver!
"Guys! Silver Axel Lee dated someone last Saturday! and she's here!" muntikan nang tumalon sa pagkabigla ang puso ko dahil sa ginawang pagsiwalat ni Chinchin ng bagay na yun. Agad-agad akong napatayo pagkatapos ay hinila ito mula sa pagkakadungaw sa bintana tsaka tinakpan ang bunganga nito na pinaglihi ata sa microphone!
For Pete's sake! That's not even a good news to his oh-so-called fantards out there! They might hunt me if this news will spread like wildfire.
I tried to take a look at the pavement for me to confirm something. Gusto ko nang maiyak nang makita ko ang gulat na pagmumukha ng mga estudyanteng naroon. I pull out my sight from them then started to grab Chinchin's hair.
"Langya ka! Gusto mo bang pagkaguluhan ako ng tsismis!?" I yelled at him but he seems like he doesn't care. Tumawa lang ito kasabay ang iba pang hunghang na sina Shane, Sharm at ang pinaka-wagas na tumawa na si Francheska.
"Sabihin mo na kasi kung ano ang nangyari!" wika ni Shane bago ito umupo sa upuang kaharap ko. Kumuha rin ng ibang upuan sina Chinchin tsaka pinuwesto ito malapit sa akin. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang mga mukha nila. Nakabahid sa pagmumukha ng mga loka ang pagkasabik na makinig sa kwento ko ( as if naman sasabihin ko ). Mukha akong lola na nagtatawag ng apo tapos magkukwento ng mga alamat.
"Wala naman akong maikukwento sa inyo. Tsaka bakit ba gusto niyong alamin e wala naman kayong makukuha kapag ikukwento ko sa inyo." sabi ko na ikinataas ng kilay ni Francheska. Buti nalang talaga at wala pa yung iba kong mga kaklase. Mamayang 9am pa kasi ang klase namin ngayong araw kaya nandoon pa siguro sila sa cafeteria at gym tumambay. And I must be thankful for Silver's absence in this hour dahil tiyak na mas may iingay pa ang mga ito kapag nandito ang isang yun.
"Ayaw mo? Sige Chinchin post mo sa fan page ni Silver yung nangyaring date nila. Huwag mo nang i-da who pa ang identity ni Naomi para pagkaguluhan siya ng mga fans ni papa Silver!" matapos iyong sabihin ni Francheska ay para namang utusan na sumunod si Chinchin sa kanya. Bago pa nila magawa ang masama nilang balak ay inagaw ko na yung phone ni Chinchin. I heaved a sigh then decided to give up.
"Okay, hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin 'to pero .. parang .. parang lang naman .. parang kami na ata. Ay! hindi! Ewan hindi ko pa talaga alam." pag-amin ko habang nakapako ang paningin sa ibabaw ng desk. Nagtaka ako kung bakit ang tahimik nila kaya naman inangat ko ang aking mukha at tiningnan ang mga ito. There's a hint of shock on their faces. Their eyes were all wide open while looking at me.
"Oh yun na! Siguro nasagot ko na yang mga katanungan sa isipan ninyo. Kaya sige na tigilan niyo na nga ako at baka may makarinig pang iba." sabi ko habang nakatingin sa labas ng pinto. Matapos ang ilang minutong pag-hang ng mga utak ng apat ay mukha itong mga fan na nagsisigawan sa concert. Agad ko silang sinaway at baka makaagaw pa sila ng atensyon at sabihing may nangyaring krimen sa loob ng silid namin o sabihin pa na may nangyayaring sunog!
"Oh my gosh! Tama pa nga ba ako e! May chemistry talaga kayo ni Silver! Kyaaaaa! SilMi is real!" wika ni Sharm na sinundan ng tili nilang apat. Nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanila. My face turned into crimson as I saw a playful grin on their lips.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Teen FictionBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...