*** ♥| Heartstring 53 - Danger |♥ ***
:::: Danger - the possibility that something unpleasant or bad will happen ::::
Napasandal nalang ako sa stall na naka-assigned sa section namin. Or I must say, sa stall na ginusto ng mga kaklase ko na i-handle sa ginaganap na sports fest ng Celestine Academy. Actually masaya naman mag handle nitong fruit shake stall pero talagang nakakapagod lalo na kapag maraming gustong bumili.
"Naomi? Okay ka lang?" napalingon ako kay Sharm nang magsalita ito. Abala ito sa paglilinis ng mga blender na ginamit namin kanina. Sinulit nalang namin ang pagkakataon na ito para magpahinga o di kaya ay maglinis ng mga gamit dahil wala pang customer na bumibili.
"Oo, napagod lang ako kanina. Di ko in-expect na papatok 'yung binibenta natin e may iba naman na mas masarap pa yung binibentang pagkain."
Napatigil ito sa paglilinis ng blender. Hinarap niya ako tsaka nakapameywang na nakatingin sa akin.
"Say thanks to Francheska and Chinchin. Lalo na sa banda ng boyfriend mo," aniya pagkatapos ay kinindatan ako. Nagpatuloy ulit siya sa kanyang ginagawa. Nagtagpo ang mga kilay ko sa aking narinig. Lumapit ako sa kanya tsaka siya kinausap.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Effective ang marketing na ginawa nina Francheska at Chinchin. Ginamit niya ang bandang Ecstasy. May promo kasi sila na kapag lima kayong bibili ng fruit shake, may prize na photoshoot with Ecstasy members after ng event nila sa C.A. mini bar." umawang ang bibig ko at napabuntong hininga. Ewan ko lang kung saang paaralan nakapag-aral ng marketing sina Francheska para magkaroon ng ideyang alam nilang papatok talaga sa madla. Kaya pala ang daming pumila kanina dahil doon sa sinabi nilang promo.
Pero ... alam kaya nila Silver ang tungkol dun?
"Ah, Sharm, alam ba ng Ecstasy ang tungkol sa promo natin?" nagtaka ako kung bakit natigil siya sa paghuhugas. Lumabas ang nag-aalangang ngiti sa kanyang labi. Hinawakan niya ang mga kamay ko pagkatapos ay doon na naglaho ang kanyang ngiti.
"Hindi pa."
"Ano?!" nabigla ako sa kanyang sagot. Paanong hindi pa nila alam?! Paano nalang kung ayaw ng Ecstasy? Edi susugorin kami ng mga fan nila? No way! Aish! Nakakainis talaga ang dalawang beki na 'yon! Talagang hindi pinag-isipan nang maayos 'yong diskarte nila.
"Eh paano na 'yan? Tiyak may chance talaga na aayaw ang bandang Ecstasy." naging blanko ang ekspresyon ko nang makita ko ang makahulugang ngiti sa labi ni Sharm. Inalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sa akin at naglakad palayo sa kanya.
"No way, never, ayoko." pagtatanggi ko. Tumayo nalang ako sa harapan ng stall upang maghintay nalang ng customer at sabihan sila na wala talagang promo sa mga tinda namin. Sasabihan ko na rin ang ibang estudyante na bumili kanina na pwede nilang kunin ang refund nila sakaling bumili sila dahil lang sa promong pinagsasabi ng dalawang beki.
"Naomi, ikaw nalang talaga ang chance para maging top seller ang products ng section natin." Umiling-iling ako upang sabihan siya na hindi ako papayag. Kahit wala siyang sinabi kanina ay alam ko na agad kung ano ang sasabihin niya.
"Sharm naman. Ang kapal na talaga ng pagmumukha ko para gawin ang ipapagawa niyo," sagot ko. Puminta na naman sa mukha niya ang lungkot. She really knows how to please me. Ginagamit niya ang acting skills niya.
"Hindi ako maaapektuhan niyang acting mo, darling. Paki sabi kina Chinchin na itigil na nila ang pagkakalat ng fake promo at tulungan nalang tayo sa pagtitinda dito." sakto naman ang pagdating ng dalawa. Halatang marami talaga silang nauto dahil maraming mga excited na mga babae na nakasunod sa kanila. Pumila na ang mga ito sa harapan ng stall namin kaya to the rescue na agad ang iba naming mga kaklase sa pagtitinda.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Teen FictionBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...