♥ Heartstrings 51 - Cunning ♥

51 5 5
                                    

*** ♥| Heartstring 51 - Cunning |♥ ***






:::: Cunning - getting what is wanted in a clever and often deceptive way ::::




Naging palaisipan ang laman ng liham na binigay ni Red sa akin kamakailan lang. Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko. Gumagawa kaya siya ng paraan para gulohin ang imbestigasyon namin para matunton siya? Maaari namang patibong lamang ang binigay niyang liham ngunit paano kung totoo pala ito? Paano kung may isa pala sa amin ang humihila pababa sa aming imbestigasyon?

Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang mensahe ni Red. Nakatanaw lang ako sa green field ng paaralan habang malalim ang iniisip.

_________

DANGER

Beware of the person who stabs you at the back but claims to be the one who is bleeding. Is it a friend? Classmate? Or one among the three of you?

It's for you to find out.

-Red

_________

Isa lang ang bumuo sa isip namin matapos naming basahin ang mensahe niya. Ito ay may kung sino ang traydor sa amin.

Naging matatag pa rin naman ang tingin naming tatlo sa isa't isa na wala sa amin ang tinutukoy niya. Pero hindi pa rin dapat kaming maging kampante dahil ayon sa kanya may traydor na pumapaligid sa amin. Na anytime handa kaming saksakin sa pinaka-vulnerable na pagkakataon. Sarili niya kaya ang tinutukoy niya? Pero ba't naman niya ibubuking ang sarili niya?

Sa totoo lang pwede naman naming sabihin na hoax lang ang sulat ni Red. Napaka-unusual kasi na magbigay ng ganoon si Red. Sino ba siya para tulongan kami? Kahit kailan hindi ko nakikitaan ng kabutihang loob si Red. Pero paano kung nagsasabi pala siya ng totoo? Isang kawalan ang gagawin naming pagsawalang-bahala sa binigay niyang clue. Naisipan din namin na baka gusto talagang makipaglaro ni Red sa amin kaya mas lalo niyang pinapalala ang sitwasyon. At gusto niya talaga na mas marami pang tao ang madadawit sa kalokohang pinanggagawa niya.

Para kanino ba kasi 'yung mensahe niya? Para sa akin ba? Kay Silver? O kay Luke?

Kung para sa akin 'yon, sino naman sa aking mga kaibigan ang magtatraydor sa amin? Isa ba sa Chuchu Friends?

No way, that's absurd. I won't consider that thought. Hindi iyon kayang gawin ng kahit sino sa Chuchu Friends.

Classmate? Maaari pero wala naman akong napapansing kahina-hinala sa mga kaklase ko. Lahat naman sila ay normal lang ang kilos. Pero kahit ganon hindi ko naman sila kilala kaya mas mabuting maging maingat nalang kami ni Silver. Magkaklase pa naman kami.

Pero 'yung sinasabi niyang isa sa aming tatlo ni Silver at Luke, hindi ko talaga iyon papaniwalaan. Kasinungalingan iyon. Isa rin sa tinitingnan naming anggulo ay gusto lang ni Red na alisin kami sa direksyon na magtutungo sa amin sa pagkakakilanlan sa kanya. Gusto niyang tibagin ang samahan namin upang maging malaya na siya sa mga plano niya.

"Hey, seems like you're in deep thought," nawala ang pagkatulala ko sa field nang marinig ko ang boses ni Luke. Actually, napagpasyahan namin na dumito muna after reading the message. Isang magulong mensahe ang natanggap namin mula kay Red kaya mas mabuti na makapag-isip kami ng maayos na nasa ganitong paligid. Medyo nakakasawa na rin kasi doon sa tambayan.

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon