♥ Heartstrings 45 - Curious ♥

52 5 2
                                    

*** ♥| Heartstring 45 - Curious |♥ ***



:::: Curious - having a desire to learn or know more about something or someone ::::


*******

Ilang araw ang dumaan bago dumating ang araw na nagpatambol ng puso ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero walang humpay pa rin ang pagwawala ng puso ko na parang aatakihin ata ako na ewan. Gusto ko talagang sampalin ang pisngi ko dahil mukhang di pa rin ako nasanay kay Silver kapag sa mga ganitong bagay. Wow, pa-just now ang peg, Naomi? Bakit ba kinakabahan ka pa rin!? Magde-date lang kayo, Naomi. Kung makapag-react ka ng ganyan parang may iba kayong gagawin! Geez!

Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago tinapik ang pisngi for the last time tsaka lang ako nagpasya na lumabas ng cr. Hinila ko pababa yung saya ng dress dahil hindi ako kumportable na pinagtitinginan ako. Above the knee length kasi yung dress at isang malakas na ihip ng hangin lang ay tiyak magpipiyesta ang mga kadugo ni Neil. Naalala niyo pa ba yung lalaking yun? Yung may tinatagong kamanyakan pala sa katawan? Brrrr! Sa tuwing naaalala ko yung mga pictures na nasa gallery niya talagang nakakapanindig balahibo pa rin.

May practice pa si Silver kasama ang mga kabanda niya kaya delayed ng konting oras yung date namin. Pumunta pa rin ako ng maaga sa school kasi may project pa akong isa-submit para sa English class namin. Di ko rin nakita ang Chuchu Friends, mukhang kanina pa ata sila nakapag-submit kaya maagang umuwi. Ayaw ko rin namang makita nila ako na ganito ang suot. Tatadtarin na naman nila ako ng pangangasar. Kaloka lang. Uulanan lang nila ako ng mga tanong.

Nagmadali akong naglakad sa hallway upang malampasan yung mga nagkukumpulang mga estudyanteng lalaki. And speaking of Neil, sa di kalayuan ay nakita ko ang isang nilalang na biniyayaan rin ng tone-toneladang kamanyakan. Gusto ko sanang tumalikod at bumalik nalang sa kabilang direksyon ng hallway kaso naalala ko ang dami palang mga tao dun. Nako-conscious ako. Langya! Bakit ba kasi ito pa yung sinuot mo, Naomi? Sana nag-jeans ka nalang! Tsk!

'Debale na! Keysa naman kulitin na naman ako ng ulol na Nickel na yun. Mas malaking problema si Nickel.' pangungumbinsi ko sa aking sarili. Bumalik nalang ako sa kabilang direksyon kaso di pa ako nakakalayo ay nangyari na ang kinatatakutan ko. Umalingaw-ngaw sa buong hallway ang pangalan ko. Gusto ko talagang itulak sa hagdan sa Nickel dahil sa ginawa niya. Dahil sa lakas ng boses ng baliw napalingon tuloy ang mga estudyante sa akin.

Humigpit ang kapit ko sa sling ng bag, hindi ko pinansin si Nickel at piniling iwasan pa rin siya habang bahagyang nakayuko upang makikiraan sa mga estudyanteng puro kabaliwan lang ata ang pinag-uusapan sa hallway. I thought everything will be okay but I am wrong. My eyes grew wider as I felt a hand holding my wrist.

Fudge, the perverted Element caught you. Good luck.

"Hey, di naman halata na nagmamadali ka?" lumingon na ako kay Nickel tsaka pilit akong naglabas ng ngiti sa kanya. Langya ka Nickel, may lahi ka bang kabayo? Ang bilis mo namang makahabol?

"Ah, nagmamadali nga ako. Sige, mauna na ako, bye." paalam ko sa kanya. Akala ko lulubayan na ako ng damuho kaso nagpaalam ito sa mga babaeng kasama niya kanina at talagang nakakapang-init ng ulo ang sinabi niyang dahilan.

"Girls! See you later. Sinusundo na ako ng asawa ko." wika niya. Gusto ko na talaga siyang sabunotan kaso ayaw ko namang mag-eskandalo sa harap ng maraming tao kaya ipagpapaliban ko nalang. Nagmumukha nang pagtakbo ang ginawa kong paglalakad upang takasan lang si Nickel pero sadyang may pagka-kapre ang asungot kaya naabutan rin ako.

ASAR! Sipain ko nalang kaya ang tuhod niya nang malumpo na siya at di na ako habulin? Okay, too cruel, nevermind.

"Huwag mo akong sundan!" mahina kong asik tsaka pilit na lumalayo sa kanya kasi sumasabay nga siya sa lakad ko. Jusme! Pag nakita ako ni Silver na kasama ang lalaking ito talagang mauubosan ako ng palusot! Sakit sa ulo talaga si Nickel kahit kailan! Bakit ba binibigyan talaga ako ng tadhana na makasalamuha ang taong gaya niya? Ang kulit!

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon