♥ Heartstrings 24 - Fragment ♥

112 7 9
                                    

*** ♥| Heartstring 24 - Fragment |♥ ***

:::: Fragment - a part broken off, detached, or incomplete ::::

********

TILA NAWALAN ako ng kontrol sa aking kamay habang hawak ang kulay itim na papel. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ito at ang tanging gumugulo sa aking isipan ay kung ano ang laman ng liham na ito.

Tatakutin na naman ba niya ako!? Ano ba ang dahilan at ginagawa niya ito!?

Huminga ako ng malalim bago binuksan yung liham. Unti-unting pinasadahan ng aking paningin ang liham na hanggang ngayon ay isang bagay na puno ng misteryo. Ni hindi ko alam kung kanino ito galing. The only thing that I knew was the name 'Red' which he or she included in the letter. Naguguluhan ako kung kulay ba iyong tinutukoy niya sa 'Red' o pangalan niya ba iyon o baka alias lang.

____________________________

How are you? It's been a long time since we've talked. Let me tell you something so I hope you won't disregard this. I HATE THE BAND ECSTASY. Yes, you read it right. I hated them so much. I want to rid their band as soon as possible. They don't deserve the highest place anyway. They are just a group of losers who kept on insisting to be on top. I idolized the band of Comet so much and I hate anything or anyone who will block their way. They deserve to win rather than that trashy band of Ecstasy.

I'll make sure Comet will win. Let me say it again, I'LL MAKE SURE COMET WILL WIN. If not then expect something.

-Red

_____________________________

Matapos kong basahin ang liham niya ay talagang nagtagpo ang kilay ko.

Is he or she a lunatic one? Dahil sa mga pinagsasabi niya ay naiisip ko tuloy na isa siyang baliw na despiradong manalo ang bandang Comet kahit anong mangyari. By hook or by crook.

Teka ...

Hindi, imposibleng mangyari iyon. Hindi ko nakikitaan ng dahilan na isa sa bandang Comet ang nasa likod ng pananakot na ito.

Pero paano kung isa nga sa kanila? Aish! Ang gulo! Hindi na muna ako magbibigay ng konklusyon habang wala pa akong nalalaman na matibay na ebidensya na maging daan upang matunton ko yung taong puno't dulo ng kababalaghang ito.

"Nomi? Are you okay?" agad kong isinilid ang liham sa loob ng envelope pagkatapos ay itinago ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Kabado akong nakatingin kay Shane bago ko ito sinagot.

"Yes, okay lang ako." pilit kong pinakalma ang boses ko ngunit sa totoo lang ay nagwawala na ang dibdib ko. Silang lima na ang nakatingin sa akin at alam kong pare-pareho na silang nagdududa sa kinikilos ko ngayon.

"You seemed like not." ani Francheska na nakaupo sa aking tabi. Sumipsip ito doon sa caramel shake na inorder niya kanina. Bakas sa mga mata nito ang katotohanang nagdududa na ito sa kilos ko.

Fudge, kahit gusto kong sabihin sa kanila ang tungkol sa liham ay di ko pwedeng gawin iyon. Hindi pa ako nakakasiguro kung hindi ba ikakagalit ni Red ang gagawin kong pagbahagi ng komunikasyong nagaganap sa aming dalawa. What if he wants to keep our communication secret? I'm scared to face some consequences he might explode.

"Okay lang talaga ako. Medyo masama lang yung pakiramdam ko pero kaya ko pa naman." sagot ko sa pagdududa ni Francheska sa akin.

"Kumain ka na kasi! May foods na ngang bibigay si papa Silver tapos ikaw you just neglected the food." ani Chinchin.

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon