♥ Heartstrings 17 - Invade ♥

91 4 0
                                    

*** ♥| Heartstring 17 - Invade |♥ ***


:::: Invade - to enter or be in; to enter as if to take possession; to intrude. ::::



*********

[ Naomi's POV ]

*ding dong*

*ding dong*

Nagising ako mula sa pagkatulog dahil sa ingay na aking narinig. Napatingin ako sa digital clock na nasa tabi ng kama ko at napag-alaman kong alas-dos pa lang ng umaga.

"Jusme naman oh. Sino bang nasa tamang pag-iisip ang mambulabog ng mga taong tulog sa ganitong oras?" wika ko bago uli humiga. Pag nalaman kong yung mga batang uhugin na naman ang nantitrip humanda sila sa akin. Pag di ako nakatiis lalagyan ko ng kuryente yung doorbell pag-patak ng alas-dose ng madaling araw. Tutostahin ko yang kakulitan ng kamay nila! Tsk.

*ding dong*

*ding dong*

Bumalikwas na ako mula sa pagkakahiga at napakamot ng ulo. Mukhang bet na bet nila yung door bell namin ah? Aish!

"Fudge! Hoy Lemon! Pagbuksan mo nga yang kung sino mang distorbo na yan!" ilang minuto akong nakatunganga habang pinapakinggan kung may ingay ba sa labas ng aking silid gaya ng kalabog ng pagbaba sa hagdan kaso nakakabinging katahimikan ang narinig ko.

Mukhang nakalimutan ko atang mas tulog mantika yun kumpara sa akin. Na kahit buhusan mo man yun ng tubig lampake pa rin yun. Pupunasan lang niya yung nabasa niyang mukha pagkatapos ay babalik na sa pagtulog.

"Geez .. kung sino man yang makulit na nasa labas ng bahay ay siguraduhin niyang importante ang dahilan ng pag-iingay niya!" panghihimutok ko bago umalis sa higaan at nagkakamot pa ng tiyan bago lumabas ng aking silid.

Bumaba na ako ng hagdan at tumungo na sa labas ng bahay. Again, the door bell rang for the nth time and honestly it almost pissed me.

"Oo na! Naririnig ko yung door bell!" inis kong sabi. Sinuot ko na yung tsinelas pagkatapos ay naglakad papunta sa gate upang pagbuksan yung taong ang lakas ng loob na istorbohin ako sa pagtulog.

Sakto namang pagbukas ko ay siya namang ikinaawang ng bibig ko. My eyes are set on his face. My forehead formed a creast.

'Fudge, how come at naparito ang taong ito?' bulong ko sa aking isipan. I shook my head to make sure na hindi ako nagse-sleepwalk o di kaya ay magising man lang ako bago pa maging isang bangungot ang panaginip na ito.

Tumingala uli ako upang makita uli ang mukha niya kaso siya parin yung nakikita ko. Bumaba ang aking paningin sa suot niya at doon ko na nakumperma na siya nga iyon at wala ako sa isang panaginip. I am in the reality and I have to face this early problem showered upon me.

"B-ba't nandito ka!?" gulat kong tanong habang nakakunot ang noo dahil sa magkahalong gulat at samutsaring katanungan na nais ko sanang ibato sa pagmumukha niya ..I mean sa kanya.

"Ganyan ba talaga ang itsura mo kapag magbubukas ka ng gate? Atleast wash your face then comb your hair. Para naman hindi magka-cardiac arrest yung bisita ninyong may sakit sa puso pag makita yang itsura mo." napasinghap nalang ako sa payo ng isang clean freak. Okay po, pero sino ba namang normal ang manggigising ng tulog ng ganitong oras?

Oh well .. he's not totally normal anyway hohoho.

"Anong pakay mo? Baka naman hindi ka na inform ng mga bituin at buwan na madaling araw pa? Tumingala ka nga! Ang dilim pa ng langit oh!" inis kong sabi sa kanya kaso sinundot niya lang yung noo ko. Biglang naalerto ang aking katawan nang sinubukan nitong pumasok kaya naman ay humarang agad ako sa pintuan ng gate.

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon