*** ♥| Heartstring 30 - Escape |♥ ***
:::: Escape - to get away from a dangerous place or situation; to get away from something that is difficult or unpleasant. ::::
*******
NAIWAN kami ni Joshua sa labas nang pumasok si Henry sa loob ng SSC. Mahiya-hiya akong tumingin sa kanya pagkatapos ay ngumiti rito. Tumikhim muna ako bago nagdesisyon na magsalita.
"Joshua, the truth thing is that I need to ask you some important questions. Pwede mo ba kitang makausap kahit sandali lang? Promise it won't consume an hour. By the way I am Naomi Isabel Chua." saad ko pagkatapos ay itinaas pa ang kanang kamay upang makipag-shake hands sa kanya at tinanggap naman niya ito.
"Oh, yes you may. So tungkol saan yung itatanong mo? I assumed that you're a member of journalism club?" tanong nito bago umupo sa bench na inuupuan namin kanina ni Gerald. Tumabi narin ako sa kanya upang masimulan na itong tanungin. Mabuti nalang at walang taong napaparito sa 3rd floor. Ayaw ko namang may makakita sa akin dito tapos pagchichismisan ako.
"Nope, hindi ako member ng journalism club. I'm a friend of Silver, yung member ng Ecstasy. Kilala mo siya?" nakita kong tumango ito.
"Yes, of course. I'm a fan of their band." aniya na may malaking ngiti sa labi. Tumango-tango ako bilang reaksyon doon sa sinabi niya. Halatang fan nga siya ng Ecstasy dahil sa laki ng ngiti nito.
Wow, for the first time ay may nakita akong lalaking fan na fan ng bandang Ecstasy. Madalas kasi puro mga babae at beki yung nakikita ko.
"So sisimulan ko na ang pagtatanong? Uh, sa unang tanong .. isa ka ba doon sa nagbigay ng tubig sa mga soccer players noong sports fest?" walang pag-aalinlangan ay umoo agad ito.
"Actually tatlo kami. Ako, si Monica then Gerald." pagpapatuloy niya.
"Nalaman ko rin yan kay Gerald. Tinanong ko rin siya tungkol sa naging nangyari nung sports fest." komento ko.
"Nga pala bakit ka ba nagtatanong tungkol dun sa nangyari kay Silver? Nakakapanibago lang, kasi madalas sa mga nagtatanong sa amin are the school's journalists." natahimik ako ng ilang segundo. Huminga muna ako ng malalim bago binalik ang tingin sa kanya. Nasagi niya ako ng konti doon sa sinabi niya. Sana naman hindi ma-out of balance itong pagtatanong ko.
"Ano kasi, gusto ko lang malaman yung totoong nangyari. Marami na kasing kumakalat na balita tungkol doon tapos iba-iba naman yung kwento. Gusto ko lang malinawan since kaibigan ako ni Silver. Pati kasi siya hindi niya talaga alam kung ano yung mga nangyayari during that time."
"Ah, well I think I'll gonna do the same if I'm in your shoe. So may itatanong ka pa?" napa-isip ulit ako sa dapat kong itanong. Aish! Dapat pala sinulat ko yung mga tanong nang di ko makalimutan!
"Teka lang .. Ah! Sabi kasi ni Gerald siya yung nagbigay ng tubig kay Silver. Pero ayon naman sa kanya wala naman siyang nilagay dun sa tubig. May napapansin ka ba during that time? Like kahina-hinala o kakaiba doon sa mga tubig na ibinigay ninyo?" habang nagsasalita ako ay unti-unting nag-iba ang ekspresyon ni Joshua. Tila ba ay may naalala ito na matagal nang kumukulit sa kanyang isip. Nakikita ko sa mga kinikilos nito na may pag-aalinlangan siya sa sasabihin niya.
"Are you okay?" tanong ko sa kanya matapos kong hawakan ito sa balikat niya.
"Yes. Yes, I'm okay. It's just that I have saw something strange during that time." naging mabigat ang ere matapos nitong sabihin iyon. Mas lalo kong itinuon ang aking atensyon sa kanya.
"Pwede mo bang sabihin kung ano yung nakita mo? It might help me finding out the truth." wika ko sa kanya upang makuha ko ang tiwala nito na ibahagi sa akin ang nasaksihan niya.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Teen FictionBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...