*** ♥| Heartstring 3 - Rival |♥***
:::: Rival - a person or thing that tries to defeat or be more successful than the other ::::
[ Naomi's POV ]
"Aray!" daing ni Silver. Ang OA rin ng lalaking to. Dinahan-dahan ko na nga ang paglapat ng bulak sa bukol niya may pa sakit-sakit paring nalalaman.
"Hindi ko naman nilakasan ang paglapat ah?" sabi ko. Reklamo parin siya ng reklamo pero hindi ko na pinansin yung mga reklamo niya. Kaartehan ng lalaking to, parang bakla lang.
"Hoy, yung totoo niloloko mo ako dun sa multong sinasabi mo ano?" sabi ko. Gusto ko lang talagang malaman ang katotohanan. Baka naman hindi pa ako makatulog mamaya.
"Walang multo. Nasabihan na kita tungkol dun dati, hindi ba? Ghost are not true" sagot niya.
Napaisip ako bigla. Tama nga siya, naalala ko yung dati. Yung lumabas kami ng tambayan nila then around 5:00pm na yun, siyempre madilim na ang paligid kaya nakakatakot na. Itong pilak naman, ang siga! Walang kinatatakutan! Sus! Ang yabang lang. Hmp.
"Ah so talagang pinagtitripan mo lang ako kanina?" tumawa ito matapos kong sabihin iyon. Ayun, inirapan ko nga.
"Actually, totoo yung may nagpakamatay dun. Pero hindi ko alam kung nagmumulto ba yun o ano. May nagsasabi na nagmumulto nga, but I will never believe those people na nagsasabi nun. Tsk, fallacy. Fabricated stories, they are good with that para lang may panakot sila" wika ni Silver. Okay koya, push mo pa na hindi ka talaga naniniwala sa mga ka repapips ni Sadako!
"Okay! So paano mo ma-eexplain yung pagkahulog nung pencil holder kanina?" tanong ko ulit sa kanya.
"Nasagi mo" sagot nito. Napanganga ako sa sagot niya. Seriously? Ba't di ko naisipan yun?
"Ano? Talaga? Aish, pakiramdam ko mukha akong mababaliw kanina. Akala ko pa naman may nagpaparamdam na talaga sa akin" diniinan ko yung paglapat ng bulak sa sugat sa noo ni Silver kaya napadaing ulit ito.
"Aray! Are nursing me? Parang hindi ah" nilayo niya yung mukha niya mula sa bulak na hawak ko. Huh! Deserving ka para dun! Hmp! Tama bang lokohin ako ng ganun?!
"Ven? Mag plaster ba kayo dito?" tanong ko kay Ven na kanina pa out of this world. Nakaka-addict nga talaga siguro yung clash of clans na nilalaro nila. Ayaw nang lubayan yung mga gadgets nila e.
Nag-antay ako ng ilang segundo pero wala akong natanggap na sagot. Parang kumausap lang ako ng hangin. Ang galing, nakaka-enjoy rin palang kausapin si Ven, ano?
"Hoy Ven!" bulyaw ko ng ganyan. Naalis yung paningin niya sa kanyang tablet at tinitigan ako sandali bago binalik uli ang paningin dito. Aish! Nakakabanas na talaga ang mga tao dito! Ugh!
"Bakit may kailangan ka ba, Naomi?" wika niya habang nakatutok parin dun sa screen ng tablet.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Teen FictionBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...