♥ Heartstrings 14 - Match ♥

79 5 2
                                    

***♥| Heartstring 14 - Match|♥***



:::: Match - an exact counterpart; a contest between two or more parties. ::::



[ Naomi's POV ]

"Oh? Saan ang gala niyo? Sama ako."

Napakurap ako ng ilang beses. This is unbelievable. Paano niya kami natunton? Binuntutan na naman ako ng kamalasan. Seriously, am I cursed?

"B-bakit ka nandito?" tanong ko kay Silver. Inalis ko ang mga braso nilang nakaakbay sa akin bago umabante at hinarap silang dalawa.

"Because I want to." sagot nito. Biglang uminit ang ulo ko sa sagot nito.

Anong 'because I want to!?' that is not an enough and acceptable answer! May pagka-arogante talaga ang walanghiya, psh!

"Whatever, may lakad kami ni Luke so if you won't mind let us leave. Thank you." sabi ko na may ngiti sa labi.

"Is it private?" tanong nito. Inirapan ko siya bago sumagot.

"Duh! Oo kaya please huwag mo na kaming sundan." sagot ko bago hinila si Luke at nagsimulang maglakad. Yun nga, iniwan namin si Silver. Jusme, please huwag yung silang dalawa agad ang poproblemahin ko. Pwede one at a time nalang? Hindi kaya ng powers ko kapag silang dalawa! I swear si kuya talaga ang puno't dulo ng paghihirap ko ngayon.

"Ahh, private. Sumbong kita sa kuya mo." awtomatiko akong napalingon kay Silver matapos kong marinig ang sinabi niya. Speaking of my annoying brother .. at talagang ang lakas ng loob niyang i-blackmail ako?

Huh! At talagang dinungisan pa ang lakad namin ni Lukas!? This guy is really hitting my nerves!

"Hoy! Huwag ka ngang green! Gagala lang kami kaya huwag kang mag-isip ng kung ano-ano! Geez!"

"I didn't say anything. You're being obvious, what's with that defensive act?" napasinghap ako sa sagot na iyon. Geez! Ang kulit talaga ng lahi.

"Anong defensive ka diyan!? You are talking nonsense, Silver. Lakad lang ang gagawin namin. I think you are being absurd." pagpapranka ko. I saw him shrugged his shoulder.

"Kahit na. Bakit ayaw niyong magpasama e gala lang pala yan. Siguro may gagawin kayong .. alam mo na." wika nito sabay labas ng nakakabuwisit na smirk. Ugh! Ang sarap niyang sabunutan! Leche! Naiinis na ako!

"Dude, just leave us alone, could you?" napatingin ako kay Luke nang magsalita na ito. Hindi ko gusto ang tono ng boses niya kasi may pagka-seryoso at alam kong magbubunga na naman ito ng giitan once na sasagot ang damuhong si Silver.

Fudge, parang ayaw kong mangyari ang naiisip ko.

"T-teka lang, chill lang guys, okay? Hahah! Tirik na nga yung sikat ng araw tapos ang iinit pa ng mga ulo ninyo. Uh Silver, pwede ba kitang makausap sandali?" tumango ito pagkatapos ay lumayo. Nagpaalam na ako kay Luke at mabuti namang pumayag ito. Pinuntahan ko na si Silver na kasalukuyang nakatalikod mula sa amin. Mukhang seryoso ata itong nakatingin sa field. Tumabi ako sa kanya at nakigaya narin sa ginagawa niya.

Somehow parang ang ganda ata ng panahon ngayon. The breeze is nice and calm. Ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng hangin sa aking mukha. Tahimik ang paligid at magandang tingnan yung mga lalaking naglalaro ng soccer malayo mula sa amin.

Tiningnan ko si Luke upang alamin ang ginagawa niya at nakita ko namang nakaupo ito sa bench na nakatalikod rin mula sa direksyon namin. Binalik ko uli ang aking paningin sa field. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon