♥ Heartstrings 5 - Disgust ♥

128 5 0
                                    

*** ♥| Heartstring 5 - Disgust |♥ ***


:::: Disgust - annoyance and anger that you feel toward something because it is not good, fair, appropriate, etc. ::::



[ Naomi's POV ]


Saturday, 7:00am/Celestine Academy.

"Okay class, after ninyong maisauli yang mga walis na ginamit ninyo pwede na kayong umuwi" nakahinga narin ako ng mabuti nang marinig ko iyon. 5:30am pa lang, nandito na kami sa school para sa monthly clean-up drive ng school namin. So eto kami ngayon, naglilinis sa buong campus.

May naka-assigned ring section every month para sa clean-up drive and sadly to say .. hindi kasali ang section nila Luke. Aish! Wala akong pampagana ng araw! Pampanira ng araw, meron!

"Plano mo bang i-take home yang walis na hawak mo?" sinamaan ko ng tingin yung katabi ko. Sabi ko na sa inyo eh, panira ng araw MERON.

"Oo, Silver. Plano ko talagang i-take home 'tong walis" pilosopo kong sagot kay Pilak.

"Ayos ah" bwisit! bwisit! kanina pa talaga 'tong lalaking to! Kapag napuno ako, makikita niya itong walis na hawak ko. Ibabato ko na talaga ito sa kanya.

*beep*

Narinig ko ang pagbeep ng cell phone ko at hudyat ito ng isang text. Naks, hudyat .. ang lalim hahaha.

---------

From: Chuchu'Chinchin <3

Baby girl? Where are you na ba? Nandito na kami sa bahay. Reply ASAP.

---------

"Ang atat rin ng mga 'to. Pasalamat nga sila nagawan ko ng paraan para ma-excuse sila sa clean-up drive na'to e" bulong ko.

Mas nauna kasi silang umuwi kasi nga sila na raw ang bahala para sa mga gagamitin mamaya. Hindi ko alam kung anong mga gamit pa ang paghahandaan nila, eh makiki-epal lang naman ako dun sa eksena ng pamilya ni Francheska at dun sa pamilya ng future fiancee niya. Kailangan pa talaga paghandaan?

Nereplyan ko nalang si Chinchin.

--------

To: Chuchu'Chinchin <3

Wag kayong atat, okay? Papunta narin ako diyan.

--------

"Hoy! Wala ka talagang planong i-uwi yan ano?" napatingin ako kay Silver na nakatayo ilang metro mula sa akin.

"Oo na po! Nandiyan na" sagot ko.

Nakarating narin kami sa janitors room at doon na namin nilagay yung nga walis na ginamit namin.

"Nayomi" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa asal kabute na pagsulpot ni Silver sa tabi ko.

"Jusko naman, Silver. Huwag ka ngang manggulat" reklamo ko. Umupo ako dun sa bench bago nilabas yung cell phone ko. Tatawagan ko sana si Chinchin kaso ....

Wala pala akong load pantawag. Fudge, naghihirap na talaga yung cell phone ko. Pero okay narin yun noh! May pantext parin naman ako eh. Hmp!

Napatingin ako kay Silver nang umupo ito sa tabi ko.

"Hindi ka pa aalis?" tanong ko sa kanya.

"Tinataboy mo ba ako?" sagot niya .. I mean, tanong niya? Aish! Tama bang tanong ang isagot sa tanong ko?!

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon