*** ♥| Heartstring 48 - Decision |♥ ***
:::: Decision - a determination arrived at after consideration; a conclusion or resolution reached after consideration ::::
NAKATINGIN LANG ako kay Nickel na nakaupo sa tabi ko. Hawak ko ngayon ang sulat na natanggap niya mula kay Red. Nakailang buntong hininga na ako dahil sa pag-iisip ng kung anong pwedeng gawin sa nangyari. Tiyak dagdag na naman ito sa poproblemahin namin ... or should I say poproblemahin ni Silver sa aming pribadong embistigasyon.
Jusko naman. Sa lahat ba naman ng pwedeng pagkatuwaan ni Red, bakit si Nickel pa? E ayaw ni Silver sa kanila o sa kung sino pa mang miyembro ng bandang Comet! This is a problem for sure. I can't even think for a good solution for this. Baka magkamali ako ayaw kong masira ang mga plano ni Silver.
"Just forget what you had read. Wala lang 'to Nickel. Baka napagtripan ka lang nitong stalker na 'to," wika ko upang di na magtaka pa si Nickel but considering how curious this guy is, I bet he won't take the bait.
Nakatingin pa rin siya doon sa envelope na hawak ko. Tinago ko iyon sa blazer ko tsaka nginitian siya.
"May dapat ba akong malaman?" he asked, looking straight to my eyes. It was an intimidating look which made me took a gulp. Goodness! Baka sumablay ang mga gagawin ko ngayon! Could someone help me here?!
"Uh, wala. Kalimutan mo na yun Nickel. It's not something for you to give a deal." sagot ko sa kanya. I can see in his eye that he is doubting me.
Magpapaalam na sana ako sa kanya kaso halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko sa Silver na pababa ng hagdan. We are sitting on a bench just a meter away from the staircase! Tiyak makikita niya kami sa oras na makababa na siya ng tuluyan!
OH GOODNESS!! WHAT SHOULD I DO?!
Mukhang napansin ni Nickel ang bakas ng pagkataranta sa mukha ko. Lumingon siya sa hagdanan at nakita niya roon si Silver. At talagang ang bait ng tadhana. Saktong paglingon ni Nickel sa kanya ay ang pagtingin rin ni Silver sa direksyon namin.
Fudge, could someone hit me straight on the head? Baka naman nananaginip lang ako. Gusto ko nang magising! Jusmiyo!
Nagkatinginan muna kami ni Silver at dahil wala akong alam na pwedeng gawin, ngumiti nalang ako ng pilit. Ang tanga kong tingnan grabe!
Ikinalaki ng aking mga mata ang paglapit ni Silver sa puwesto namin. Nakita kong tumayo si Nickel kaya tumayo nalang rin ako.
"Uh Silver, we are just talking about something. I hope you won't misunderstood this." wika ni Nickel the moment na makarating si Silver sa harapan namin. Napakurap ako ng ilang beses nang makita kong tumango lang si Silver sa sinabi niya. I thought he will say something bad against it. Buti nalang mukhang mataas pa ang temper niya ngayon, buti nalang talaga!
"Actually I am looking for Naomi." ani Silver. Napatingin si Nickel sa akin at mukhang kuha ko na ang tingin na binibigay ni Nickel sa akin. Mukhang ayaw niyang magtagal pa ang awkward ng ere kaya lumapit na ako kay Pilak.
"Ah sige, mauna na ako." paalam ni Nickel pagkatapos ay umalis na palabas ng gusali.
"Kumain ka na? Hinanap kita para sabay na tayo kumain ng lunch, di ka pa nag-lunch diba? It's already 2pm, you should not skip your lunch, woman." ngumiti siya sa akin at nang mapansin niyang nakatitig lang ako sa kanya hinawakan niya ang magkabila kong pisngi tsaka kinurot.
"Aray! Masakit yun ah!" reklamo ko tsaka inalis ang mga kamay niya. Tumawa lang siya pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko. Hinila na niya ako palabas ng gusali. Gusto kong maging masaya habang kasama si Silver kaso pilit na lumilitaw yung liham ni Red na natanggap ni Nickel.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Teen FictionBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...