♥ Heartstrings 47 - Apology ♥

60 3 3
                                    

*** ♥| Heartstring 47 - Apology |♥ ***



:::: Apology - a statement saying that you are sorry about something : an expression of regret for having done or said something wrong ::::


******

NAGISING AKO dahil sa malambot na bagay na sumisiksik malapit sa bandang tsan ko. I am starting to think na baka si Lemon na naman ang nantitrip sa akin para sirain ang tulog ko kaya di ko iyon pinansin. Pero habang tumatagal ay sa mukha ko na naman sumisiksik yung malambot na bagay na parang feather duster ata na ewan.

"Hey, wake up. It's getting late, gusto mo ba dito matulog?" naimulat ko ang aking mga mata then looked at the guy lying beside me. I am just looking at him for about a minute before my mind remembered to remind me that there is something wrong.

"Woah! Ba't nandito ka?" nataranta kong sabi pagkatapos ay dali-daling umupo mula sa pagkakahiga sa kama.

SA KAMA?! Bakit nandito siya sa kama ko?— wait, di ko kwarto 'to.

"Jeez, ano? Okay na utak mo? Siguro alam mo na ang sagot bakit nandito ako, sleepyhead ." umupo na rin siya tsaka sumandal sa headboard ng kanyang malambot na kama. Magsasalita na sana ako but I saw something cute which made my eyes glittered in excitement.

"Wow! Kinuha mo na siya?" mangha kong tanong kay Silver. He just nodded as an answer. Lumapit ako doon sa pusa na katabi niya. Mahimbing ang tulog nito tsaka malinis na siyang tingnan unlike kanina na mukhang kung saan-saan lang ata siya humihiga kaya sobrang dumi.

"You gave this kitty a bath?" tanong ko uli.

"Yes, sobrang dumi niya kasi. Then tapos na rin yan kumain." lumabas ang malaking ngiti sa labi ko habang nakatingin kay Silver.

"Salamat," wika ko rito.

"You're welcome. Anyway humina na yung ulan. Gusto mo bang mag-stay dito? I already prepared your dinner. Gusto ko sanang gisingin ka kanina but you were sleeping so soundly kaya di na kita ginising pa." aniya tsaka hinawi ang kurtina ng bintanang malapit lang sa kama. Madilim na nga sa labas at di ako makapaniwala na ilang oras na pala kong nakatulog.

"Ah, hindi pa naman ako gutom. Uuwi nalang siguro ako maya-maya," sagot ko rito. Natuwa naman ako nang makita kong hinahaplos niya yung ulo ng pusa. I think he is now starting to love the cat dahil nakikita ko na sa labi niya yung ngiti habang nakatingin sa natutulog na pusa.

"Aww, you like it?" tanong ko tsaka dumapa upang mas mapalapit doon sa kuting. I saw Silver looking at me.

"I don't know why am I starting to like the cat. At first inaaway niya ako kanina habang ni-rerescue ko pa siya pero di rin nagtagal pumayag rin na kunin ko. Sobrang basa niya kanina tsaka sobrang gutom kaya marami-rami rin ang kinain niyang cat food."

"Sabi ko na sa iyo e. Kailangan niya lang ng love. Why not we name this cutie?"

"Let's name him Rain."

"Ay lalaki pala si muning. Well that suits him. Umulan kasi nung nakita natin siya." kumento ko habang hinahawakan ko ang tenga ng pusa. Bigla kong naalala yung sulat na nakita ni Nickel kanina nang lumandas ang paningin ko doon sa picture frame na may disenyong envelope na nakalagay sa ibabaw ng kulay itim na cabinet. Nawala ang ngiti sa labi ko at mukhang napansin ata ni Silver yun dahil pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko tsaka ako tinanong.

"Are you okay? Di mo kailangan sumimangot diyan kung ayaw mo sa pangalan na binigay ko sa kanya hahaha," aniya. Gahd, ba't naman ako magtatampo dahil lang sa ipinangalan sa pusa? Tsaka hindi naman ako umaangal sa pangalang ibinigay niya, kung angal man ako malamang ay kanina pa ako nagpoprotesta na pangit ang pangalang naisip niya.

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon