♥ Heartstrings 8 - Guilt ♥

147 5 2
                                    

*** ♥| Heartstring 8 - Guilt |♥ ***




:::: Guilt - a bad feeling caused by knowing or thinking that you have done something bad or wrong. ::::



*********

"Anong oras na ba? Ang tagal ng bakla ah?" naiinip na sabi ni Shane. Nandito kami sa labas ng school at hinihintay ang pagdating ni Francheska.

Yes, napagtagumpayan nga ni Silver yung pangako niya. Nagawan nga niya ng paraan para hindi na matuloy yung kasal ni Francheska dun sa demonyetang girlush. Hindi ko alam kung anong klaseng magic ang pinagagawa ni Silver at napagtagumpayan niya iyon. Basta ang mahalaga ay nagtagumpay siya at malaya narin sa wakas si Francheska!

"Ayun! Parating na ang gaga!" masayang turo ni Chinchin sa isang itim na kotse na paparating.

Huminto na yung kotse sa harapan namin at niluwa nito ang isang maingay na nilalang.

"Kyaaaaaaa!!" sigaw nito nang makalabas na ng tuluyan sa kotse. Nagsitilian rin sina Chinchin at Sharm pwera nalang sa amin ni Shane na nahihiyang nakatingin sa mga taong nasa paligid. Pinagtitinginan na kasi kami. Feel na feel naman ng mga baliw yung moment na akala mo naman kung saang lupalop ng mundo nagmula si Francheska.

"Oh my ghaaaad! I miss this kind of feeling! Yung feeling na malaya ulit! Aaaawww! I miss you sooooo much Chuchus!" wika ni Francheska. Nag-group hug kami nang sabihin niya iyon. Muntik ka nang matsugi bakla ka, buti nalang talaga at nakahanap kami ng paraan .. be thankful narin pala kay Silver.

"Oh sha doon na nga tayo magdramahan sa loob. Pinagtitinginan na tayo oh." aya ko sa kanila.

"Aw, hi to you my girlfriend. Pa kiss nga." akma pa itong hahalik sakin kaya naman hinarang ko yung kamao ko.

"Subukan mo kundi babasagin ko yang labi mo." pagbabanta ko.

"Ito naman! Naglalambing lang sa girlfriend ko eh." nangilabot ako nang magboses lalaki na si Francheska. Umakbay pa ito sa akin.

Isang himala! Nagbabalik-loob na ba si Frederick?!

"Lalaki ka na?" tanong ko sa kanya.

"Yuck, hindi noh." bumalik na ulit sa pagiging beki yung boses niya. Napa-poker-face ako dahil don. Umasa na naman ako, letse!

"Naomi! My gosh! Thank you so much talaga! Utang na loob ko sayo ang kaligtasan ko! Niligtas mo ako Naomi, alam mo yun! Thank you talaga sayo, girlfriend ko." galak na galak niyang sabi sabay yakap sakin.

"Oo na. Actually hindi lang talaga kami ang nagligtas sayo. Be thankful to Silver." wika ko. Humiwalay ito at tiningnan ako.

"Pakisabi narin sa asawa mo, thank you." nagsitawanan pa silang lahat nang sabihin niya iyon. Oo alam na nilang lahat yung nangyari kahapon. Tinadtad nila ako ng pang-aasar. Binigyan pa ako ng code name na 'Mrs. Lee' .. putspa!

"Nakakaasar kayo, alam niyo yun?" naiinis kong sabi.

"Hay nako Mrs. Lee. Alam mo ba muntikan na akong magconvert pabalik sa pagiging lalaki nung makita kita nung gabing yun? Grabe, buti nalang talaga napigilan ko sarili ko. My gosh!" OA niyang sabi.

"Yes! You should thank us, bakla! Naloka pa naman ako sa dala niyang damit. Parang pupunta lang ng bundok." inirapan ko si Chinchin dahil sa sinabi niya.

"Anong mali sa pagsusuot ng jeans at tshirt?!"

"Gaga! Walang mali don! Mali yun kung magsusuot ka ng ganon kung dadalo ka ng formal meeting! Ano ka? Personal alalay?" maarteng sagot ni Chinchin. Okay, fine! *rolls eyes*

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon