♥ Heartstrings 49 - Ally ♥

29 4 6
                                    

*** ♥| Heartstring 49 - Ally |♥ ***




:::: Ally - to join (yourself) with another person, group, etc., in order to get or give support ::::



NAKATINGIN lang ako kay Nickel at siya naman malaki ang ngiti sa akin. Okay, paano ko ba sasabihin sa kanya ang request ni Silver? Likas pa naman kung makapagbigay ng meaning itong si Nickel.

"Yes, Naomi? Kailangan mo ang service ko?" sabi nito matapos ang ilang segundong katahimikan. Nasa tapat kami ng classroom niya ngayon at ang mga chismoso at mga chismosa niyang mga kaklase nagsilabasan ang mga ulo sa bintana para lang makalakap ng maaaring gawing chismis.

"Uh, pwede bang huwag tayo dito mag-usap?" pakiusap ko sa kanya habang nakatingin sa mga kaklase niya. Sinulyapan niya naman ang mga ito.

"Guys, you are making this lady feel uncomfortable," aniya gamit ang boses na parang naiinis pero halata naman na nagbibiro lang siya. Lumaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang kamay ko tsaka ako hinila.

"S-Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. He looks at me then showed a smile.

"Kahit saan mo gusto. Mukhang pribado ata ang sasabihin mo sa akin kasi ayaw mong makarinig yung mga kaklase ko sa pag-uusapan natin," sagot niya. Natumpak niya, buti nalang mukhang maganda ang function ng braincells ni Nickel ngayong araw.

Napunta kami sa labas ng gusali ng building nila. Umupo muna kami sa isang marmol na upuan pagkatapos ay pinakiramdaman ko muna ang paligid kung maaari ko na bang sabihin sa kanya ang pakay ko o hindi.

Red may be someone among these people around us who is watching us secretly and maybe listening our talks.

"Uh, yung about sa liham. Ikaw lang ba ang nakatanggap non?" I asked.

"Ah iyon? I don't know. Ba't mo naman natanong? Tsaka what do you mean sa tanong mo?" tanong niya habang nag-uunat ng mga kamay niya.

"Curious lang kasi ako na baka may iba pang nakatanggap ng liham gaya nung natanggap mo." nanatili sa ere ang mga nakaunat niyang kamay habang ang mga mata niya ay nakatingin sa akin.

"Bakit? May hindi ba maganda sa liham na iyon?" aniya tsaka lang binaba ang mga kamay papunta sa batok niya.

"Actually, kaya ako pumunta dito ay dahil kay Silver. Gusto niyang pumunta ka sa tambayan. May pag-uusapan ata kayong importante," sabi ko. Tumango naman si Nickel tsaka tumayo. Inaya ko na siyang maglakad papuntang tambayan ng Ecstasy. Habang nasa pathway pa kami, sobrang daldal talaga ni Nickel. Hindi siya nawawalan ng mga topic.

"Talaga bang okay lang kay Silver na papuntahin ako sa tambayan nila? Parang nakakapanibago kasi," aniya habang nakatingin sa akin.

"Oo, siya mismo ang may sabi na papuntahin ka 'don."

"Kinakabahan tuloy ako hahaha!" sumingkit ang mga mata nito sa pagtawa niya. Well, talagang natatakot din ako kay Silver noon pero habang tumatagal natutunan ko nang labanan 'yon. 'Yung tipong alam ko na kung paano siya asarin, buwisitin at iba pa kahit alam kong may tsansang magagalit siya. Pero pag alam kong iba na 'yong galit niya, mas mabuting huwag na siyang asarin pa hahaha!

"Ba't ka naman matatakot sa kanya? Ako bahala 'don sa oras na awayin ka niya," saad ko na may ngiti sa labi.

Matapos ang ilang lakaran ay narating na rin namin ang tambayan ng Ecstasy members. Pagpasok ko ay inaya ko na rin si Nickel na pumasok. Nung una nagdadalawang-isip pa ito pero ako na mismo ang humila sa kanya papasok ng silid.

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon