*** ♥| Heartstring 39 - Candid |♥ ***
:::: Candid - expressing opinions and feelings in an honest and sincere way ::::
*******
MAGTATATLONG BUWAN na rin ang online business nina Francheska at Chinchin. At dahil umabot na ng ganun ka tagal ang business nila ( for the first time, madalas kasi silang palpak ) ay inanyayaan nila kami na mag-celebrate sa bahay ni Chinchin. Sa bahay sana kami ni Francheska kaso maling ideya na mag-celebrate doon dahil nandoon ang tatay niya. Kahit tanggap na siya ng tatay niya ay ayaw pa rin nito na makita siyang lantaran ang kalambutan kaya dito nalang daw kina Chinchin dahil walang problema ang beki sa mga magulang niya.
At dahil party ang gagawin nila, kailangan talaga na huwag nalang sa bahay nina Francheska at baka agaran kaming masipa palabas ng bahay nila. May pagka-party people pa naman ang mga ito kaya masamang makita at marinig sila ng tatay ni Francheska.
"Ayaaaan! Konting push nalang we'll start the party na!" sigaw ni Chinchin nang matapos na niyang maikabit ang disco ball sa bubong ng sala nila. Actually may bar sana itong bahay nina Chinchin kaso ayaw ipagamit ng nanay niya dahil may party pa raw na gaganapin ang nanay niya kasama ang mga kaibigan. Wala namang problema ito sa mga Chuchus dahil kapag present ang beer at pizza, okay na sa kanila.
"Dalian mo nga bakla!" reklamo ni Francheska. Nakaupo lang kami sa sofa nila habang nakikipag-chikahan. Stereos were all volume-up at ayon sa kanila ay hindi raw kumpleto ang party kapag hindi patay ang ilaw tsaka tanging ang ilaw ng disco ball lang ang buhay. I'm not fond of joining parties that's why compared to my Chuchu Friends, I am the only one whose not that excited. But for the sake of their success in life I'll try my best to enjoy.
"Eto naaaaa! Let's start the party!" matapos niyang sabihin iyon ay pinatay na ni Chinchin ang ilaw. Nagmistulang bituin na kumikinang ang disco ball na umiikot sa bubong. Naghiyawan na silang apat at nilabas na ang kanina pang tinatagong excitement. Nanatili akong nakaupo dahil hindi naman ako marunog sumayaw at tsaka nag-eenjoy pa ako sa kakakain ng chocolate balls na hinanda nila.
"Hoy, Naomi! Hindi namin yan binili para ikaw lang ang umubos! Hali ka nga dito!" wika ni Francheska habang papalapit sa akin.
"T-teka lang! Kumakain pa ako e!" pagtatanggi ko kaso hinili niya lang ako palayo sa mga pagkaing matatamis na gusto ko sanang tikman lahat.
"Oh yeaaaah! Let's enjoy! Congrats to us!" hiyaw ni Chinchin habang tumatalon kasabay sa ingay ng musikang bumabalot sa buong sala. Kung pakikinggan mo sila ngayon aakalain mo talagang abot bente kami ang nandito pero jusme naman! Lima lang kami! Tsaka apat lang silang nagsisigawan!
I tried to escape and planned to go back to the foods I left but Francheska's pair of eyes caught me. Hinila niya ang kamay ko tsaka pinalibutan nila ako upang wala na talaga akong kawalan.
Yung pagkain na nga lang ang nagpapa-enjoy sa akin ngayon tapos ilalayo pa nila? How dare them!
"Sayaw, baby girl! Move your body!" ani Chinchin. Kahit naiilang ako ay tumalon-talon nalang ako dahil yun lang ang alam ko. Sa tanang buhay ko hindi pa ako nakaranas na pumunta ng bar tapos magsasayaw sa dance floor!
"This is life! Feel free, Naomi!" sigaw naman ni Shane. Sobrang saya nilang tingnan na nagsasayaw at nagtatalon. Mukha itong mga tinakasan ng bait dahil sa sobrang liksi. As minutes passed by, I am starting to enjoy the dancing session with them kahit puro pagtalon lang naman ang ginawa ko. I am glad that they didn't asked me to imitate the dance they were doing. Dahil kung pipilitin nila ako ay tiyak magkakaroon lang kami ng dance practice!
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Teen FictionBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...