*** ♥| Heartstring 15 - Trouble |♥ ***
:::: Trouble - a situation that is difficult or has a lot of problems. ::::
*******
[ Naomi's POV ]
"Aish, ba't ang tagal ng dalawa dun?" napakamot ako ng ulo habang tinitingnan ang dalawang halimaw. Nakatayo parin ang dalawa malapit dun sa field, tanaw ko parin sila hanggang dito sa parking lot.
Nakasimangot akong nakatingin sa kanila at nakahinga nalang ako ng maluwag nang makita kong nakaakbay na ang dalawa at naglakad na papunta dito sa parking lot. Geez, ano ba ang ikinatagal nila doon? Dapat bang ipaghintay ako?
"Ba't ba ang tagal ninyo?" agad kong tanong matapos nilang makarating sa harapan ko.
"Uhh, may heart to heart talk lang kami dun hahaha." sagot ni Luke na ikinataas ng kilay ko.
"Tss, tara na. Hoy, dito ako sa harapan uupo ah? Nga pala saan ba tayo?" wika ko habang nag-iisip kung saan kami pwedeng magliwaliw. Naman oh, may kasama pa naman kaming maarte kaya mahihirapan ata kaming maghanap ng pwedeng mapuntahan.
*glares to Silver*
"What? Why are you looking me like that?" anya pagkatapos ay umikot papunta doon sa pinto ng kotse. Mukhang siya ata ang magdadrive.
"Teka lang, ako na ang magdadrive. Kotse mo naman to e." pagboboluntaryo ni Luke.
"Hindi, ako na. I can handle it, anyway I'm not drunk." anito.
"Ako na, mukhang inaantok ka na." Luke insisted. Naka-poker-faced lang akong nakatingin sa kanila. Geez, may plano ba silang ubusin ang oras dahil lang sa problemang kung sino ang magdadrive!?
"Ako na kasi, kotse ko naman to e." pag-aayaw ni Silver sa alok ni Luke. Bago pa kami madatnan ng bukang liwayway, sumingit na ako sa pagtatalo nila.
"Ako na ang magdadrive." wika ko. Bumahid sa kanilang pagmumukha ang pagkagulat sa sinabi ko at talaga umabot pa ng ilang segundo ang pagtitig nila sa akin.
Anong mali sa sinabi ko?
"Bakit!? E sa ang gulo niyo diyan! Ako nalang ang magdadrive. Turuan niyo nalang ako." naiinip kong sabi. Doon lang bumalik sa sarili ang dalawa.
"Sige, Luke ikaw nalang magdrive." nagpaubaya na si Silver at talagang binigyan pa ng daan si Luke doon sa pinto ng kotse.
"Hindi, sa iyo naman yan kaya ikaw na." ani Luke. At nagbatuhan na naman sila ng mga pangungusap na pagpapaubaya sa kung sino ang magdadrive. Aish! Seriously? Are they okay? Mukhang nasobrahan ata ang mga ito lakas ng stereo kanina.
Upang matigil na ang pagtatalo, I did the right thing to settle it.
---------
Ilang minuto na kaming nasa loob ng sasakyan ni Silver papunta sa kung saan man ang gusto nila. Silang dalawa na ang binigyan ko ng pagkakataon na magdesisyon since okay lang naman sa akin kung kahit saan ( except kay Silver, I am expecting his complains once he find the place boring or what so ever. What an as*hole jerk, tsk. )
Yes, nagawan ko ng paraan yung pagtatalo nila kanina. Ang sakit pala sa ulo mag-alaga sa dalawang 'to, at kailangan ko na atang ihanda ang sarili ko sa mga posible na namang pagtatalo mamaya, geez.
( FLASHBACK, 20 minutes ago )
Lumapit na ako sa dalawa pagkatapos ay pinahawi sila. Hinawakan ko yung hawakan ng kotse at planong buksan yung pinto.
BINABASA MO ANG
Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )
Teen FictionBOOK 1: No Chaos No Love A single bad move can cause and lead to many changes. Mistrust, denial of chances, and distortion of love may follow once you broke the heart of someone who seriously gave you those. What if the main cast crossed the wro...