♥ Heartstrings 6 - Jealousy ♥

168 4 0
                                    

*** ♥| Heartstring 6 - Jealousy|♥ ***

:::: Jealousy - an unhappy or angry feeling caused by the belief that someone you love likes or is liked by someone else. ::::

[ Naomi's POV ]

Gusto ko na talagang kuritin si Chinchin sa singit dahil sa tindi ng paghila niya sa buhok ko. Hindi ko alam kung pinapaganda ba ako ng bakla o ginagawang bruha! Napapa-ngiwi nalang ako dahil sa sakit. Pinakulot niya kasi yung buhok ko. Yung wavy lang yung dulo pero hindi ko alam kung bakit ang tindi ng paghila niya eh!

"Chinchin! Langya ka! Ang sakit na ah?!" reklamo ko.

"Baby girl naman! Pinapaganda kita, okay? Huwag ka na ngang magreklamo" wika niya at nagpatuloy parin sa pagtorture sakin. Napabuntong-hininga nalang ako.

Para kay Francheska, titiisin ko ang lahat nang to. Ganyan kita ka mahal Cheska! Kaya pwede ba! Ayusin mo na yang sarili mo at magbalik-loob ka na. Sayang yung pagiging pogi mo eh! Chos! Hahaha. Kung saan masaya si Francheska, doon narin kami. Eh ayaw niya dun sa nirereto sa kanya kaya gagawan namin ng paraan para makatakas siya.

Nga pala, umalis na pala yung lokong si Silver. Tumawag kasi yung mga sira niyang kaibigan dahil may important meeting raw sila about dun sa banda nila. Kaya no choice yung loko kundi ang umalis. Okay narin yun noh! Keysa naman guluhin niya lang ako buong magdamag.

"Oh ayan! Bongga! Pwede mo nang tingnan ang sarili mo sa salamin. Bilis!" excited na sabi ni Chinchin sabay ikot ng swivel chair paharap sa malaking salamin na nakasabit sa pader.

Napanga-nga ako na nakita ko. Shyeet?! Ako ba talaga to? Hindi Naomi, hologram lang yan.

Nakita ko si Shane at Sharm na may dalang damit na nakalagay sa hanger.

"Tada! Eto ang susuotin mo! Seducting ang kulay! ... Gosh?! Nao! You look so gorgeous! But wait, mas magiging gorgeous ka pa kapag isusuot mo ito." wika ni Sharm na may malaking ngiti sa mukha. Napa-awang ko yung bibig ko at napatingin ng 'are-you-serious' look sa kanila.

"Ghad! Naomi bagay sayo to! Promise! Ang hot mo tingnan sa dress na'to!" wika ni Shane sabay wink sakin.

"Oo nga! Pak na pak!" singit ni Chinchin.

Jusko, anong klaseng damit ba yang pinapasuot nila sakin?!

"Girls?! Saang bar ba ako pupunta mamaya?" nanlulumo kong sabi sa kanila.

"Hay nako! Isuot mo na. Malapit na yung oras oh! Gora na!" hinawakan ko na yung hanger ng dress. Ang mga supportive kong kaibigan tinulak-tulak pa ako papasok sa cr.

"Take your time, lady. Muah!" wika ni Shane sabay sara ng pinto.

Napatingin ako sa salamin at tiningnan ang itsura ko. Okay lang naman yung make-up ko. Hindi sa pagmamayabang, ang sabi kasi ng expert na si Chinchin na okay na raw sakin yung light make-up. Hindi na raw kailangang sagarin pa ako ng mga kulay. Naks! Ang ganda ko talaga. Hahaha, leche nagfifeeling na naman ako. Tsk.

"Anong klaseng damit ba to? Ang iksi! Tsaka kulay pula pa!" pagrereklamo ko habang tinitingnan yung detalye ng dress.

Kulay pula ito at above the knee yung haba. Kapit na kapit pa talaga ito sa katawan ko at ayaw na ayaw ko yun! Ugh! Isumpa ang Chuchu Friends! Grrrr!

"Jusko! Bat may butas pa to sa gilid?!" tube kasi yung dress with kapirasong tela pa sa balikat na hindi ko alam kung paano i-explain .. basta! Yung parang sa gown ni Bell ng Beauty and the Beast? Basta yun na yun. Ngayon ko lang napansin na may butas pala ito sa magkabilang gilid ng bewang kaya kita-kita nito ang balat ko mamaya. Nakakainis na talaga! Bakit ba ayaw nila ako pagsuotin ng dress na hindi ganito ka sexy?! Nagmumukha raw akong bata kapag ganun yung susuotin ko kaya hindi raw magiging effective yung pagkukunwari ko mamaya. So kailangan talaga magmukha akong ganito?!

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon