♥ Heartstrings 12 - Lost ♥

114 8 4
                                    



  *** ♥| Heartstring 12 - Lost | ♥ ***  



:::: Lost - no longer held, owned, or possessed. ::::


********

Pagkatapos ng pagtugtog ng bandang Ecstasy ay ang pag-aanunsyo ng mga nanalo. Of course there is only one champion which is the first placer at kasunod na dito ay yung second and third placer. Kahit hindi naman ako kasali ay hindi ko maiwasang kabahan sa magiging resulta ( at the same time kinakabahan rin ako sa sasabihin ni Henry at Nickel sa oras na makita nila ang mga laman ng camera ko, jusme naman kahit isa lang sana ay may matipuhan sila ).

It is clear and obvious na isa sa bandang Ecstasy at bandang Comet ang talagang nagpapaingay sa madla kaya isa narin yung factor para sabihing nasa dalawa lang ang maaaring hirangin as champion at yung hindi, mailalagay sa second place.

Matapos hingin ng emcee yung audience impact sa pamamagitan ng palakpak ay binigay na sa kanya yung envelope na may lamang resulta. Of course sobrang ingay na ng mga tao sa kakacheer ng bet nilang grupo. Sinulyapan ko ang pinakamamahal kong Chuchu Friends at napatawa nalang ako sa aking isipan nang masaksihan ko ang tindi ng cheering nila. Halos mapunit na yung tarpaulin na kung kanina ay sobrang ayos pa tingnan. Si Chinchin at Francheska pumatong pa talaga sa silya kaya hindi ko na tuloy napigilang ngumiti.

"Hey, what made my sister smile like that?" agad akong napatingin sa nagsalita at sumalubong sa aking paningin ang ubod ng gwapo kong kuya. Matutuwa na sana ako kaso a question popped in my mind which made me stop.

'Ohkay, bakit napunta si kuya dito?' natanong ko sa aking isipan. I squinted my eyes looking at him na para bang nagtataka ako kung bakit napunta ang isang nilalang gaya niya dito. Haler? Napaka-busy niya kayang tao lalo na't on the phase of thesis making na sila. 'Hell to the power of two' year na niya kumbaga ( to the power of two kasi hell year naman talaga taon-taon ang college, mas hell year kapag 4th year college na, curse you thesis hmp! ).

"Kuya, ba't napunta ka dito?" tanong ko. Sumingkit ang kanyang mga mata hudyat na nagtataka siya sa tanong ko. Aba, at nakuha pang gayahin yung pagsingkit ng mga mata ko.

"Bakit? Masama na bang bumisita sa alma mater ko? Ba't parang nasesense ko na tinataboy mo ako Nomi? Ah, siguro may boyfriend ka nang tinatago sa akin ano? Asan na? Pakilala mo sa akin." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Geez, eto na naman siya. Bakit ba ayaw niyang maniwala sa akin na wala nga akong boyfriend? Si kuya talaga ang tindi ng sense of humor, ang lakas magpatawa.

"Wala noh! Napaka studious ko kayang tao. No time for such things." I said then showed a grin. Ginulo niya lang yung buhok at tinawanan lang yung sinabi ko.

Tell me, may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"What's funny? Tsaka huwag mo ngang guluhin ang buhok ko." maarte kong wika. Inakbayan niya lang ako pagkatapos ay nagsalita.

"I doubt that, lil sis. Halos magtampo na nga sa iyo yung mga libro sa bahay kasi minsan mo lang sila pinapansin." tiningnan ko ito ng masama at ang loko kong kuya nginitian lang ako.

Great, just great. Mapagbulgar na tao si kuya.

"Iniiba mo lang yung usapan eh. Bakit ka nga ba talaga napunta dito? Nanchichiks ka ba?" tanong ko sa kanya. Huh, akala niya ha. At sa dinami-dami ng universities at colleges, how come at dito niya naisipang manchiks?

"Pag napunta dito nanchichiks agad? Siyempre napunta ako dito kasi nabalitaan kong may battle of the bands which caught my interest. Inimbitahan rin ako nung ka-member ko sa Gear 7 kasi kasali yung grupo niya sa mga tutugtog." paliwanag niya. Yung Gear 7 pala na tinutukoy niya ay yung sinalihan niyang grupo ng mga musician. Hindi madali ang makasali dun since it requires a person who is a music genius. Before I forget, musician si kuya Calvin at ang main instrument na tinutugtog niya ay violin. Dito rin siya nag-aaral sa Celestine Academy noong senior high niya. 8 years na siyang miyembro ng Gear 7 and getting stronger ang peg. Music is life masyado ang lolo niyo.

Broken Heartstrings ( On Going Story - Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon