05 : Kiss
Nakatingin pa rin ako kay Deacon nang magsalita siya.
“Ipaghanda mo ng pagkain si Ada, malamang ay nagugutom na ang aking supling sa kaniyang tiyan.” Sabi niya sa nakaluhod na lalaki sa harapan.
“Masusunod mahal na hari.” Sagot naman nito.Muli akong hinila ni Deacon. Nakatingin pa rin ako sa kaniyang likod, namamangha pa rin sa aking nalaman. Isa siyang hari? Wow like grabe talaga super paano? Sa tachiyomi mo lang nababasa ang mga ganito tapos nangyayari na sa akin.
Sinalubong kami ni Morgaria at Thyrus.
“Inco…” Sabi ni Morga pero hindi siya pinansin ni Deacon at tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya.
Huminto ako kaya napahinto rin siya at nakakunot ang noong nakatingin sa akin.
“Sandali, kakausapin ko lamang ang mga bata,” sabay turo ko sa dalawa.
“Para saan?” nakataas ang kilay na tanong niya.
Hindi ko siya sinagot imbes ay malakas na hinila ang kamay mula sa kaniya at lumapit sa dalawang bata. Mabuti nalang at hindi na niya ako pinigilan pa.
Lumuhod ako upang magpantay kami ni Morga na may malungkot na ekspresyon sa mukha. Si Thyrus naman ay nakahalukipkip at masama ang tingin sa akin.
“Nasaan si Asmo?” tanong ko.
Nag-angat siya ng tingin sa akin pagkatapos ay tumingin sa likod ko kaya lumingon ako para lamang makita na pinanlalakihan siya ng mga mata ni Deacon.
Kumunot ang noo ko at tumayo upang harapin siya. Mukhang hindi kami makakapag-usap ng mga bata kung narito siya.“Nauuhaw ako, kailangan ko ng tubig.” Sabi ko sa kaniya.
“Thyrus, ikuha mo siya——”
“Ang sabi ng baby, ‘yong daddy niya raw ang kukuha.” Sabi ko at hinaplos-haplos pa ang tiyan.
Napataas naman siya ng kilay.
“Hindi mo ako mauutusan.”
“Sige, kung gayon ay hindi ako iinom ng tubig kapag hindi ikaw ang kumuha at hindi ko rin kakainin ang ihahanda sa akin.”
Kumunot ang noo niya at inis na tumalikod. Napangiti naman ako at muling hinarap si Morgaria.
“ngayon sabihin mo sa akin kung nasaan si Asmo?”
Napahikbi siya kaya ikinagulat ko ito. Tiningnan ko si Thyrus na mas lalong sumama ang tingin sa akin pagkatapos ay nilapitan si Morgaria at niyakap.
“Ikinulong si Asmo sa Bales dahil nalaman ni inco na siya ang nagturo sa iyo ng daan papuntang Egon. Ngayon kasalanan mo kung bakit nag-iisa sa madilim na lugar si Asmo!” inis na sabi ni Thyrus at hinila na si Morgaria palayo sa akin.Naiwan naman akong nakaluhod roon, hindi makapaniwala sa nalaman. Nagawa iyon ni Deacon sa isang bata?
“narito na ang iyong tubig.”
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasyWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...