Chapter 19

77 3 4
                                    

19 : Palace


Tunay nga sa sinabi ni Hana, hindi makapaniwala si Deacon nang masilayan kung sino ang nasa sala. Una ay gulat siyang nakatingin sa mga panauhin pero kalaunan ay nagsalubong ang kaniyang kilay. Pinagmasdan ko ang pagtayo ng apat na bampira, sabay-sabay silang yumuko bilang paggalang.

“Nagagalak kaming masilayan kang muli, haring Deacon.” Sabi ng babaeng naka-ponty tail ang buhok. Lahat sila ay parehong nakasuot ng mahabang damit na may logo ata ng school? Tingin ko ay uniform ito.

“Mga inse at inco!” Maligayang tumakbo papunta si Thyrus sa mga bisita at niyakap sila. Masaya naman nilang sinalubong ng yakap ang bata.

Tiningnan ko si Asmo at Morgaria na nakangiting nakatingin sa kanila na naka-upo sa sopa. Nagsimulang maglakad si Deacon papunta sa isang sopa at umupo roon. Sumunod naman ako at umupo sa sopang malapit sa kaniya. Gusto ko mang bumalik sa silid ay hindi ko ginawa kasi may mga bisita kung kaya dapat lang na manatili ako bilang respeto.

Umupo rin ang mga bisita. Halata sa mga mukha nila na kinakabahan sila dahil hindi sila makatingin ng diretso kay Deacon o dahil hari nila ito kaya hindi sila makatingin?

“At bakit kayo naririto?” nakataas ang kilay na tanong ni Deacon.

Ang lalaking puti ang buhok ang siyang sumagot. “Come on couz, hindi ka ba masaya na makita kami?”

Couz? So, pinsan sila ni Deacon. Kumunot naman ang noo ng huli. Hinampas naman ang lalaking nagsalita ng katabing babae at siya ang nagsalita.

“Inco, dapat may pa-welcome party kami!”

“Sansha gaga ka ba? Umayos nga kayo diyan.” Bulong ng babaeng pinaka-maikli ang buhok.

“Stop it guys.” Awat ng lalaking maikli rin ang buhok.

Bumuga ng hangin si Deacon. Madilim na ang mukha niya ngayon.

“Hindi ba ay dapat nasa unibersidad kayo? Dalawang taon pa dapat bago kayo makabalik.” Sabi ni Deacon.

Kung gayon ay tama ako. Ang mga bisita pala namin ay nag-aaral sa isang university, kaya rin siguro sila nage-english. Napakamot sa ulo ang lalaking puti ang buhok.

“Bakasyon lang.”

Sinamaan siya ng tingin ni Deacon at nakita ko ang paglunok ng binata.

“Geode, alam mong hindi mo ako malilinlang.”

Nag-peace sign naman iyong Geode na nakangiti.

“Ah ano talaga inco nalaman namin na may nangyayari pala ritong hindi maganda.” Sabi ni Sansha at napasulyap sa akin.

Napakunot naman ang noo ko. Sinasabi niyang hindi maganda tapos tumingin sa akin? Aba, ano ang nais niyang iparating?

Tumikhim ang lalaking maikli ang buhok at nagsalita.

“Truth is, I escaped from the university to visit someone and then I accidentally heard that you’ll be having your only child. Also, I heard that the monarch’s in danger because of the other Kings of El Giles.”

“At sinabi niya sa akin.”

“Sinabi rin ni Helanie sa akin.”

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon