Chapter 15

80 4 0
                                        

15 : Crave

Nagtungo kami ni Thyrus sa hapag pagkatapos ko siyang gisingin. Nakapagtanghalian naman ako dahil kinuhanan ako ni Thyrus ng pagkain. Pagdating sa hapag ay naroon na ang dalawang kambal. Nginitian ko sila at kinayawan sila pero tumingin lang sila sa akin. Naupo ako malayo sa kambal dahil bawal nga na hawakan ko sila. Dalawang silya ang pagitan namin ni Asmo, wala naman silang sinabi at kumuha lang ng pagkain.

Nagsandok ako ng kanin at ulam. Ayokong magtanong kung nasaan si Deacon kahit may parte sa akin na gusto. Habang kumakain ay bumukas ang pintoan sa silid na ito at paglingon ko ay si Deacon pala. Agad akong nag-iwas ng tingin nang binagsak niya ang titig sa akin. Naglakad na siya at umupo sa upuan niya—kung saan malayo ako.

“Nakapag-usap na ba kayo ng pamilya mo?”

Napaangat ako ng tingin at nakitang nakatingin din siya sa akin. Tumango ako at yumukong muli para kumain.

Hindi na siya muling nagsalita pa at nagtanong.

“Inco, nagkita ba kayo ni Cleona?”

Tama ba ang narinig ko? Tinatanong ni Morgaria kung nagkita na sila ni Cleona? As in ‘yong ex ni Deacon?

Tumikhim si Deacon.

“Oo,”

Ah kaya pala wala siya kanina.

“Kailan po siya pupunta rito? Nasasabik na akong makita siya!”

Sanaol. Mukhang love na love ng mga bata ang Cleonang iyon. Siguro ang ganda rin niya.

“Simula ngayon huwag niyo na siyang tawagin na Cleona lang dahil isa siyang Dyosa.”

Wow another sanaol. Dyosa pala siya. Halata namang nagulat ang mga bata sa nalaman. Nang magsalita ang mga bata ay dama na ang excitement sa mga tinig nila.

“Hindi ako makapaniwala! Kaya pala ang ganda niya. Mas lalo tuloy akong nasabik makita si Dyosa Cleona.”

“Ano po ang inaalagaan at binabantayan ni Dyosa Cleona, inco?”

“Ako.”

Edi wow! Ayon naman pala at may nag-aalaga at nagbabantay sa kaniya. Woah eh bakit hindi mo nalang dalhin rito para talagang maalagaan ka?

“Talaga po? Ibig sabihin maaari na muli siyang tumira dito——”

“Bagohan siyang Dyosa, Thyrus. Sinasanay pa lamang siya at ang unang misyon niya ay ang bantayan at alagaan ang hari ng Conte Moria.”

Nilapag ko ang aking mga kubyertos. Nabusog na ako sa daldalan nila ay sa pagkain pala. Tumingin ako sa kanila at pagkatapos ay tumayo. Tumingin naman silang lahat sa akin, si Asmo na susubo ng pagkain ay natigil sa ere ang kutsara.

“Maraming salamat sa pagkain. Magpapahinga na ako.”

Nang makarating sa silid ay agad akong humiga. Mabuti nalang at hindi sumasakit ang aking tiyan. Please lang anak huwag mo muna hanapin ang ama mo. Nahihiya pa rin ako sa nangyari kagabi. Dahil sa pagod ay nakatulog na ako. Ganito siguro pag buntis kahit wala ka namang ginawa napapagod ka agad.

Nakasakay ako muli sa bilog na dahon kasama ng mag-isa. Pagkagising ko sinabihan agad ako ni Deacon na aalis daw kami. Kaya ito ngayon at nagmo-moment mag-isa rito. Ewan ko ba at bakit hindi siya rito sumakay, ah alam ko na baka kasi malaman ni Cleona na magkasama kami. Matagal ang byahe roon na nga ako natulog at kumain katulad ng dati.

Bumungad sa akin si Harmon pagbukas ng pinto. Siguro maayos na ang pakiramdam niya. Ngumiti ako sa kaniya at sinuklian niya naman iyon.

“Nagagalak akong masilayan kang muli, Harmon.”

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon