Epilogue

82 9 0
                                    

New Beginning


Laglag ang panga ni mama nang pagbukas niya ng pinto ay kami ang bumungad.

“Ate!”

Parang nagising naman siya nang marinig ang pagtawag ng aking mga kapatid. Ngumiti ako sa kaniya.

“May anak ka na ate?!”

Kinuha ni Rara ang aking anak at napasulyap sa katabi kong lalaki. Niyakap ako ni mama at napaiyak pa. Naramdaman ko rin na niyakap ako ni Darius.

“Anak bakit di mo naman sinabi na uuwi ka?”

Pinahiran ko ang pisngi ni mama at hinaplos si Darius.

“Ma, si Deacon Mongarde po, asawa ko.”

Doon palang napansin ni mama ang kasama ko. Namamangha siyang napatingin kay Deacon at ganoon din ang dalawa kong kapatid.

“Magandang araw po.” Bati ni Deacon.

“Pwede po bang pumasok muna kami sa bahay niyo po?” Sabi ko.

Naupo kami ni Deacon sa sofa habang si Amethyst naman ay hawak-hawak na ni mama.

“Ate mag-kuwento ka naman.”

Alam kong mahabang kuwentohan ‘to kaya naman bago kami pumunta rito sa mundo namin ay nag-isip na ako ng storya namin ni Deacon. Simula kung paano kami nagkakilala at kung bakit hindi ko nasabing ikinasal ako. Lahat ng iyon ay ikinuwento ko sa kanila at mukhang naniwala naman.

“May sakit po kasi siya kaya nagbulag po.” Paliwanag ko naman sa kanila tungkol kay Deacon.

Bago kami umalis sa Orcolio Ze Acantha ay binigyan ni Dyosa Cleona si Deacon ng isang pares ng perlas at hindi ko alam kung anong ginawa niya upang magmukha itong mga mata.

Hindi na pinatagal ni mama ang usapan at sinabing bukas nalang magpatuloy at magpahinga na muna kami.

Napansin ko na nakapagpa-renovate si mama ng bahay dahil sa malaki na ito at sementado. Marahil ay dahil ito sa perang ibinigay ni Deacon. Si Amethyst ay kinuha nila mama, nais daw nila na makasama ito kaya hinayaan ko na. Pumayag naman si Deacon.

Inalalayan ko siya papuntang shower. Tinulungan ko rin siyang maghubad ng damit at pagkatapos ay ako naman.

“Ada, bulag ako pero malakas ang pakiramdam.”

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

“Ano naman?” Natatawang sabi ko.

Lumapit siya sa akin at inamoy ako. Agad kong binuksan ang shower dahilan upang mabasa siya. Natawa naman ako at sumali na rin sa kaniya sa pagligo. Bigla ay hinawakan niya ang aking bewang at hinagkan ang aking ulo.

Dumausdus ang kaniyang palad papunta sa gitna ng aking hita at nagsimulang hawakan ako roon. Bumaba ang labi niya sa aking leeg at unti-unti ay bumaon ang kaniyang pangil kasabay ng pagbaon ng kaniyang daliri sa aking loob.

“Pilyong bampira.” Mahinang usal ko.

Naramdaman ko naman ang kaniyang ngisi. Isinandal niya ako sa dingding at siniil ng halik ang aking labi hanggang sa unti-unting bumababa ang kaniyang labi papunta sa aking dibdib. Kinuha niya ang aking hita at ipinaikot sa kaniyang balakang. Nagsimula siyang pumasok at ramdam na ramdam ko ang kalakihan niyon.

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon