40 : Wedding Day
Ngayon na nga ang araw kung kailan kami mag-iisang dibdib. Pinagmasdan ko ang aking hitsura sa salamin. Isang puting wedding dress na hapit sa aking katawan na napapalibutan ng mga pilak anf dulo nito na sumasayad sa lupa. May manipis na strap ito na nakabuhol sa likod ng aking leeg, natawa naman ako nang makitang may cleavage ako.Nakapangko ang aking buhok at may iilang strand ng hair ang nakalugay. Mayroon din akong suot na hikaw na mula kay Deacon, binigay niya kanina.
Si Deacon ay nauna na sa falls—ang lugar na aming pinuntahan noong isang araw at kung saan kami ikakasal. Parang tao talaga kung ikasal kami at nagpapasalamat ako kay Deacon dahil alam ko namang ginawa niya lahat ‘to para sa akin.
Lumabas na ako ng kubo at nakitang naroroon na ang aking sasakyan. Hindi ko alam kung paano ito ginawa ni Deacon lahat at hindi ko rin alam kung sino ang aming mga bisita pero wala na akong pakealam ang mahalaga ay kaming dalawa.
Sumakay na ako sa isang karwahe na gawa sa kahoy. Nagsimula na itong umandar. Inamoy ko ang pumpon ng dilaw na rosas.
Ilang sandali pa ay huminto na ang karwahe at bumukas ang pinto. Napatingin ako sa aking tatapakan na puno ng puti na talutot. Bumaba na ako at namangha nang ang talutot na ito ay hanggang sa direksyon ni Deacon.
Nagulat ako nang makita na maliban kay Deacon ay may mga bisita kaming mga ibon, kuneho, paru-paru, oso, at iba pang mga hayop.
Napatingin ako sa mga tumatalon sa aking paanan at nakitang may apat na kuneho na may dalang basket kung saan naroroon ang mga yellow petals na.
Napatingin ako sa isang gilid nang may tumambol at nakitang may grupo ng banda roon na puro mga hayop. Nagsimulang umawit ang mga ibon, at nagtugtogan ang iba pang mga hayop na kasamahan nila.
Tumalon ang mga kuneho at naghagis ng mga talutot sa aking daanan.
Nagsimula akong humakbang, tinanaw ang aking magiging pares sa habang buhay. Isang makisig na lalaki ang na sa unahan na nakasuot ng isang tuxedo, hindi ko akalain na mas bagay sa kaniya ang kasuotan ng mga tao.
Parang nakikisabay ang agos ng talon sa aming kasalan dahil sa mahina itong dumadausdus sa biyak na lupa.
Tumigil sa pagkanta ang mga ibon at pagtambol ang mga hayop. Isang katahimikan ang lumukob sa amin at sa mga oras na ito ay marami akong napagtanto. Sa dami ng nangyari sa amin ni Deacon ay magkasama pa rin kami hanggang sa huli. Ilang beses niya kaming iniligtas ng kaniyang anak at kahit napagtangkaan ko ang kaniyang supling ay pinili niyang magpatawad at ibigin ako.
Maraming naging saksi sa aming pag-aaway, tampuhan, at pagmamahalan. Sa maliit kong apartment kung saan niya ako unang natagpuan at kung saan nagsimula ang lahat. Sa palasyo kung saan ko siya unang inibig at marami akong natutunan sa mga panahong magkasama kami. At dito, sa lugar na ‘to kung saan ang tanging saksi lamang ng aming pag-iibigan ay mga hayop at mga tanim, walang problema tanging kapayapaan lamang.
Sa lugar din na ito namin isusumpa ang walang hanggang pagmamahalan at mangangako sa harap ng talon na walang iwanan. Magiging saksi ang mga nilalang na naririto sa aming pag-iisang dibdib at lubos akong natutuwa, dahil kahit papaano mayroong makakakita sa aming pagsusumpaan.
Hindi man namin alam kung ano ang magiging bukas at kapalaran naming dalawa ni Deacon pero ang mahalaga ay ang ngayon. Ipapaubaya nalang namin ang mga problema ng bukas sa bukas.
Tinanggap ko ang palad ni Deacon at ikinabit niya naman ito sa kaniyang braso. Naglakad pa kami ng dahan-dahan hanggang sa huminto na kami nang na sa malapit na kami sa dulo ng bangin. Humarap kami sa isa’t-isa.
BINABASA MO ANG
Pellucid Seed
FantasyWish granted, this is what Ada thought when she found out that she is set to be a mother. However, the "wish granted" she claimed turns out to be her nightmare because how can she be pregnant when she is a virgin? Hence, Ada tried to get rid of the...