Chapter 27

62 5 0
                                    

27: The Attack


Tulala lamang akong nakasandal sa silya ng karwahe. Noong tumalikod ako ay hindi na niya ako hinabol pa kung kaya ay ito ako ngayon at pabalik na ng Conte Moria. Hindi ko alam kung anong dapat kung maramdaman pagkatapos ng nangyari. Kung magpapakasal nga silang dalawa dapat lang ay wala na ako sa palasyo pero malamang hindi papayag si Deacon na ilayo ko ang kaniyang supling.

Nahilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha. Ayokong manatili dito kung magiging mag-asawa na silang dalawa, ngayon pa nga lang na hindi pa sila nagpapakasal ay nasasaktan na akong masilayan silang dalawa. Paano nalang kung palagi ko silang makikitang sweet sa isa’t isa?

Kung bakit kasi si Deacon pa ang pinili ng puso ko. Sa dami ng lalaki sa mundo na matitino at normal bakit siya pa.

Ngayon, paano na ako?

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lamang ako nang huminto ang karwahe. Nakarating na siguro kami. Binuksan ko ang pinto ngunit bumungad sa akin ang mga bampirang guwardiya. Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa kapaligiran.

“Ada, manatili ka lamang sa loob.”

“Ano bang nangyayari at nasaan tayo?” Tanong ko kay Harmon.

Kumilos ang higit sa sampung bampira upang palibotan ang karwahe ko. Sa mga ikinilos nila ay bigla akong kinabahan, may panganib na naka-amba.

Naagaw ang pansin ko nang mula sa malayo ay may naaninag akong umuusok at mula roon ay mga bulto ng nilalang ang nagsilabasan. Isa lamang ang sigurado ako, mga bampira sila dahil sa pula ng kanilang mga mata.

“Huwag kang mag-alala, hindi ka mapapahamak.”

Kahit hindi ako naniniwala sa kaniyang sinabi ay pumasok na lamang ako sa loob at nagsimulang magdasal. Hindi ko akalain na mangyayari na namang uli ang ganito, aking iniisip kung darating ba si Deacon katulad noon kapag napapahamak ako. Ngayon kasi mukhang Malabo sapagkat may Dyosa Cleona na siya at hindi na niya pa maibabaling ang atensyon sa iba.

Nayakap ko ang aking sarili nang makaramdam ng lamig. Gulat na napalingon ako sa pinto nang marinig na parang may bumangga roon. Ilang sandali pa ay may narinig na akong kaguluhan sa labas, mayroong natutumbang kahoy at sigaw ng kung sino. Mas lalong kumabog ang aking dibdib, hindi ko alam kung kakayanin ba ng mga tauhan ni Deacon ang mga kalaban sa labas.

“Ay!” Sigaw ko nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng karwahe at may bampirang mahahabang kuko na inaabot ako. Agad akong tumayo at sumiksik sa gilid.

“Umalis kang pangit ka!” Sigaw ko at kinuha ang dalang prutas pagkatapos ay itinapon ito sa mukha niya. Ngunit hindi ito natinag at akmang aakyat, mabuti na lamang at nahatak ito ng isang guwardiya pagkatapos ay itinapon.

Dali-dali akong tumayo at hinatak pasara ang pinto. Napahawak ako sa aking dibdib sa kaba, marami ang kalaban sa labas makaka-alis ba kami ng ligtas dito?

Nang maramdaman kong bubukas muli ang pinto ay kinuha ko ang watermelon na nahulog kanina at inamba ito sa kung sino man ang magbubukas. At pagkabukas nga ay agad ko itong itinapon sa mukha ng lalaki—wait kilala ko ‘yon ah!

“Harmon!” sigaw ko nang siya ang tamaan ng watermelon. Sa tigas ng mukha niya ay nawasak ang prutas at nagkalat ang laman sa mukha niya. Napangiwi naman ako.

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon