Chapter 11

86 5 0
                                    

11 : Athanasios



Umupo sa tabi ko si Deacon.

“Nasaan si Dallas?”

“Bakit mo naman siya hinahanap?”

Tiningnan ko si Deacon at nakitang nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

“Kasi nakasunod siya sa atin kanina.”

“Tinitingnan mo siya kanina habang buhat-buhat kita?”

“Oo, may mali ba roon?”

Iniwas niya ang kaniyang tingin at hindi na muling nagsalita. Ano bang problema niya at salubong ang kilay? Hindi ko nalang siya pinansin at tumahimik na rin. Marahil nandito kami para magpahinga. Ilang sandali lang ay natanaw ko si Dallas mula sa kagubatan at basa ang katawan nito ngunit hindi katulad ng dati may pang-itaas na siyang damit. Hindi na rin basa ang mga damit niya at pansin ko rin na may sugat siya sa gilid.

Ngumiti siya sa akin at kumaway. “Parang nawala ang pagod ko nang masilayan kita, Ada.”

Natawa naman ako sa sinabi ni Dallas at tumayo mula sa pagkaka-upo. Kailangan magamot ang sugat niya.

“May sugat ka,” Sabi ko at tinuro ang gilid niya.

Umiling naman siya.

“Wala lang ‘to nandiyan ka eh.”

Natatawang nahampas ko siya dahil sa sinabi niya ngunit nawala rin ang pagtawa ko nang may marinig na natumbang kahoy. Napalingon ako sa likod at nakitang naka-upo pa rin si Deacon at nakapikit ang mata. Ang natumbang kahoy naman ay iyong nasa likod ng kahoy na sinasandalan niya.

“Mukhang may nagalit, upo ka na ulit doon, Ada. Kukuha lang ako ng pagkain.”

Umalis na si Dallas kaya bumalik muli ako sa tabi ni Deacon. Nagtaka naman ako dahil nang umupo ako ay bigla siyang umusog palayo eh hindi naman nagdadampi ang mga balat namin at isa pa malayo ako sa kaniya. Hindi ko siya pinansin at sinandal nalang ang ulo sa kahoy.

Nang makabalik si Dallas ay may dala na siyang pagkain.

“Kain na.” Gising ko kay Deacon na nakapikit lang.

Hindi siya nagpatinag kaya niyugyog ko ang balikat niya.

“Kakain na, Deacon.”

Nagmulat siya ng mata at nakita ko ang kapulahan ng mga ito.

“Ihahain mo ba ang iyong sarili? Kung hindi huwag mo akong gisingin.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakapikit muli siya at dahil sa takot na baka ano pang sabihin o gawin niya ay hindi ko na siya inabala pa. Nasa harapan ko si Dallas at nasa gitna ang prutas na dala niya.

“Anong ginagawa mo rito sa Egon?” tanong ko.

“Dito ako nakatira.”

Napataas ang kilay ko.

“Parang puro naman kaguluhan ang meron dito.”

Pellucid SeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon